2 pulis, ipina-detain ng Senado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 pulis, ipina-detain ng Senado

2 pulis, ipina-detain ng Senado

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard


MAYNILA - Na-cite in contempt ang dalawang pulis na dumadalo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Ayon kay Senator Raffy Tulfo, ilang beses na hindi umano nagsabi ng totoo ang dalawa kaya nagmosyon siya para ma-cite in contempt sina Police Senior Master Sergeant Jerrywin Rebosora at Police Master Sergeant Lorenzo Catarata at makulong sa detention cell ng Senado.

Kaugnay ito sa imbestigasyon ng komite sa pagkakaaresto kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr, isang pulis na anti-drug operative na nahuli sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022 sa isang drug operation.

Sinabi ng PNP na nadiskubre nila na kulang ang narekober na ilegal na droga. Ayon kay Police Major General Eliseo Cruz, PNP Director For Investigation And Detective Management, na siyang pinuno din ng Special Investigation Task Group, kasama sina Catarata at Rebosora sa nag-operate sa Tondo, Maynila.

ADVERTISEMENT

May nakuha aniyang CCTV footage na nagbibigay ng circumstantial evidence na may tatlong pulis na maaring bumawas sa droga na nakuha kay Mayo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.