Pulis, nahuli sa operasyon kontra droga sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis, nahuli sa operasyon kontra droga sa Maynila

ABS-CBN News
Published Oct 09, 2022 09:44 AM PHT

MANILA — Isang pulis ang naaresto sa isang operasyon kontra-droga sa lungsod ng Maynila ngayong Linggo ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, isang intel operative ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na may ranggong police master sergeant ang suspek.

Hindi na isiniwalat ng pulisya ang pangalan nito.

Nasabat ng mga awtoridad sa naturang operasyon ang dalawang bloke ng hinihinalang shabu na may bigat na dalawang kilo.

Naganap ang nasabing drug bust bandang 2:30 ng madaling araw sa may Quezon Bridge sa Quiapo, ilang oras lang matapos ding makumpiska ng mga pulis ang 600 kilo ng hinihinalang shabu sa isang warehouse sa Tondo.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga nakumpiskang droga at baril, at isasailalim ang mga ito sa forensic examination.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad matapos ang nasabing operasyon.

— Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News
MULA SA ARCHIVE
Read More:
pulis
Maynila
shabu
droga
Quiapo
buy bust
Quiapo Manila
PDEG
PNP Drug Enforcement Group
buy bust operation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT