Ilang bahay sa Lubang, Occidental Mindoro napinsala ng lindol | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang bahay sa Lubang, Occidental Mindoro napinsala ng lindol

Ilang bahay sa Lubang, Occidental Mindoro napinsala ng lindol

Dennis Datu,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 14, 2022 07:22 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Ilang bahay sa Lubang Island, Occidental Mindoro ang nagtamo ng pinsala matapos yanigin ng lindol ang probinsiya nitong umaga ng Lunes.

Kasunod ng lindol pasado alas-6 ng umaga, agad nagsagawa ng damage assessment ang municipal disaster office ng Lubang, kung saan nakitang nagtamo ng mga minor damage ang ilang bahay.

Sa video na kuha ng Mayor's Office, makikita ang pag-angat ng mga nagkabitak-bitak na tiles ng isang bahay sa may Barangay Vigo.

Nagkaroon din ng bitak sa mga pader at mga biga ng bahay sa lugar.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, wala namang naiulat na nasaktan sa lindol sa isla.

Hanggang alas-10 ng umaga, 26 aftershocks na ang naitala sa Lubang kasunod ng lindol.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, dulot ng paggalaw ng Manila Trench ang pagyanig, na naitala sa layong 110 kilometro sa hilagang kanluran ng Lubang.

"Ang pagkilos ng Manila Trench, madalas po natin ito maramdaman. Minsan mababaw, minsan mas malalim," ani Phivolcs Director Renato Solidum.

Sa lakas ng lindol, naramdaman din ito sa ilang lugar sa Metro Manila at Central Luzon.

Takot sa Taal

Sa bayan ng Agoncillo, Batangas, natakot ang mga residente sa lakas ng pagyanig at inakalang dahil ito sa Bulkang Taal, lalo't ilang araw nang nagbubuga ng makapal na usok ang bulkan.

"Bigla kami bumangon, kami'y natutulog... nakikiramdam kami sa bulkan dahil kitang-kita namin malapit kami sa bulkan," sabi ni Jojit Annuevo.

Pero nilinaw ng Phivolcs na walang kinalaman ang aktibidad ng Taal sa lindol.

"Ang tinitingnan natin diyan ay puwede 'yong phreatic explosion or steam-driven eruption... na na-experience o na-monitor na nangyari," ani Paolo Reniva, residente volcanologist sa Taal Volcano Observatory.

Nahihirapan naman ang mga residente ng Agoncillo dahil sa dami ng ibinubugang sulfur dioxide ng bulkan.

Pero sa ngayon, wala pang nakikitang indikasyon ang Phivolcs para magtaas ng alert level ng bulkan.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.