House probe sa kakulangan ng tubig sa Metro Manila itinulak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

House probe sa kakulangan ng tubig sa Metro Manila itinulak

House probe sa kakulangan ng tubig sa Metro Manila itinulak

ABS-CBN News

Clipboard

Nais paimbestigahan ng isang mambabatas sa Kamara ang biglaang pagkawala ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila simula pa noong Linggo.

Ang water interruption ay nagdulot ng perwisyo sa mga residente at mga establisimyento, na ang iba ay napilitan pang magsara.

Nitong Miyerkoles ay naghain ng resolusyon si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate upang siyasatin ang nararanasang water interruption sa Metro Manila, Rizal, at Cavite na sakop ng water concessionaire na Manila Water.

Sa resolusyon, inudyukan ni Zarate ang House committee on good government and public accountability na magsagawa ng pagdinig upang tukuyin ang sanhi at epekto ng insidente.

ADVERTISEMENT

Dapat din daw tukuyin ang implikasyon nito sa mga konsumer at sa kalidad ng pagbibigay serbisyo ng water concessionaires.

Kasalukuyang nakararanas ng kawalan ng tubig ang aabot sa higit 50,000 kostumer ng Manila Water.

Ayon sa kompanya, bukod sa nararanasang El Niño ay dapat din umanong sisihin ang mga naantalang proyekto na aalalay sana sa dumadami nilang konsumer.

Nauna nang sinabi ng National Water Resources Board at ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na walang problema sa suplay ng tubig kahit pa nag-anunsiyo ang PAGASA na may nararanasang weak El Niño sa bansa.

Nangako naman ang Manila Water na minamadali na nila ang pagsasaayos ng proyekto na magdadagdag ng suplay para sa kanilang mga sineserbisyohan.

—May ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News

Read More:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.