Mga konsumer ng Manila Water nagulantang sa 'walang-abisong' water interruption | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga konsumer ng Manila Water nagulantang sa 'walang-abisong' water interruption

ABS-CBN News
Published Mar 09, 2019 05:07 PM PHT
|
Updated Mar 09, 2019 07:59 PM PHT

Umaaray ang ilang konsumer ng Manila Water sa umano'y biglaang water interruption ng water concessionaire sa ilang bahagi ng Kamaynilaan.

Nangyari ang water interruption sa kasagsagan ng pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam na pinanggagalingan ng "buffer supply" sa Metro Manila.

Inulan ng batikos ang Manila Water mula sa mga residente sa Pasig at Quezon City dahil nawalan sila ng tubig nang walang anunsyo.

Kabilang sa mga naapektuhan ang may-ari ng karinderya na si Lani Dela Rosa na nag-iipon ng tubig sa iba't ibang lalagyan sakaling tuluyan nang mawalan ng tubig ang kanilang gripo.

ADVERTISEMENT
"Kailangan namin sa pagluluto, paghuhugas ng pinggan," ani Dela Rosa.

Paliwanag ng Manila Water, sabay-sabay gumamit ng tubig para mag-imbak ang mga residente na nagresulta sa pagkaubos ng suplay sa ibang lugar na hindi naman naabisuhan.

"The water demand is very high today because of water supply interruptions in the previous days... kaya binabalanse lang namin ang available supply," ani Manila Water corporate communications head Jeric Sevilla.

Nagkumahog din ang ilang konsumer sa Mandaluyong City sa pagpila para makapag-igib ng tubig mula sa fire hydrant.

"Pagdating ko kagabi alas-10 nakita ko maraming timba nakakalat nang ganun. 'Yun pala wala nang tubig kaya ako nagpila-pila na rin," kuwento ng residenteng si Nectar Verdan.

Ayon sa Manila Water, tumaas ang demand para sa tubig ngayong taon dahil sa paglaki ng populasyon.

Nasa 69.1 metro naman ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam ngayon, mas mababa kumpara sa 79 metro noong 2018. Mas mababa din ito sa normal na lebel na 80.15 metro.

Inaasahang magtatagal sa buong tag-init ang pagra-rasyon ng tubig sa Metro Manila.

Tiniyak ng Manila Water na magbibigay sila ng abiso para sa schedule ng water interruption sa kanilang social media accounts.

Nag-iikot na rin ang ilang water tankers para mag-deliver ng libreng tubig.

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
water
water interruption
tubig
service
water concessionaire
Manila Water
serbisyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT