Special non-working holiday para sa 'Araw ng Kasambahay,' lusot sa Kamara | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Special non-working holiday para sa 'Araw ng Kasambahay,' lusot sa Kamara

Special non-working holiday para sa 'Araw ng Kasambahay,' lusot sa Kamara

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 21, 2018 10:51 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na nagdedeklara sa Enero 18 bilang "Araw ng Kasambahay."

Nasa 225 mambabatas sa mababang kapulungan ang bumoto sa pagpasa ng House Bill 6258 na naglalayong kilalanin ang serbisyo ng mga kasambahay.

Sa ilalim ng panukala, ituturing na special non-working holiday ang Enero 18 bilang paggunita na rin sa pagkakaladga sa Republic Act No. 10361 o Kasambahay Law noong 2013.

Kung matapat ang Enero 18 sa weekend, itatakda ang pagdiriwang sa Biyernes ng linggong iyon.

ADVERTISEMENT

Sa isang pahayag, sinabi ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, ang principal author ng panukala, na hindi maikakaila ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kasambahay.

"Domestic workers dedicate their efforts to promote the well-being of their employers (Inilalaan ng domestic workers ang kanilang panahon para tiyakin ang kapakanan ng kanilang mga amo)," ani Fariñas.

-- Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.