Ano ang karapatan ng mga kasambahay? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ano ang karapatan ng mga kasambahay?

Ano ang karapatan ng mga kasambahay?

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 26, 2017 09:28 PM PHT

Clipboard

Ayon sa tala ng Department of Labor and Employment, aabot umano sa halos 2 milyon ang domestic workers o mga kasambahay sa buong bansa.

Subalit karamihan sa mga ito, hindi miyembro ng Social Security System (SSS), Pag-IBIG Fund, at PhilHealth.

Dagdag pa rito, ilan sa mga mga kasambahay ay nakararanas ng pangmamaltrato, hindi sapat ang suweldo, at labis ang mga gawain o trabaho.

Tinalakay nina Novelita Palisoc at Himaya Montenegro, mga opisyal ng United Domestic Workers of the Philippines, ang Republic Act No. 10361 o "Domestic Workers Act" na isinabatas noong 2013.

ADVERTISEMENT

Isa sa mga mahalagang panghahawakan ng dalawang panig ay ang pagkakaroon ng kontrata sa pagitan ng mga kasambahay at ng amo.

"Kailangan may kontrata para in case [na] magloko si mga kasambahay, may hahabulin si employer," ani Palisoc, pangulo ng pangkat.

Ayon naman kay Montenegro, mahalagang nililinaw ng kasambay ang mga tungkuling kaniyang gagampanan sa trabaho.

"Dapat na-orient [ang mga kasambahay] ng kaniyang employer kung ano ang kaniyang mga gawain ... kasi ang mga kasambahay ay mahaba talaga [ang] oras niya sa trabaho," ani Montenegro.

Dapat pinagbibigyan ng amo na makapagpahinga ang mga kasambahay, dagdag niya.

Hindi kasi umano magagampanan ng isang mga kasambahay ang kaniyang mga tungkulin kung sobrang pagod ang katawan at isip nito.

Hindi rin dapat bababa sa minimum wage ang suweldo ng mga kasambahay.

Kung P5,000 pataas ang suweldo ng mga kasambahay kada buwan, dapat sagutin ng amo ang kaniyang mga benepisyo, gaya ng SSS at Philhealth.

Karapatan din ng mga kasambahay na tumanggap ng 13th month pay.

Mahalaga rin umanong magbigay ang amo ng isang araw na pahinga kada linggo.

Upang maiwasan naman ang mga insidente ng mga nagpapanggap na mga kasambahay para makapagnakaw, pinayuhan ni Montenegro ang mga ahensiya at amo na kilatising maigi ang namamasukan.

Mungkahi ni Montenegro sa mga ahensiya na patirahin muna sa isang bahay ang mga papasok na mga kasambahay upang obserbahan ang ugali nito.

Maganda rin umanong hingan ang mga mamamasukan ng mga papeles gaya ng barangay at National Bureau of Investigation (NBI) clearance.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.