'Uniform curfew' sa Metro Manila iminungkahi ng DILG | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Uniform curfew' sa Metro Manila iminungkahi ng DILG

ABS-CBN News
Published Mar 10, 2021 06:32 PM PHT
|
Updated Mar 10, 2021 06:57 PM PHT

Iminungkahi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakaroon ng uniform curfew hours sa Metro Manila sa gitna ng tumataas na bilang ng COVID-19 cases.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, mas magiging madali ang pagpapatupad ng curfew at pagbabantay ng mga pulis kung isa lang ang sinusunod na oras ng 16 siyudad at nag-iisang munisipalidad sa rehiyon.

"Wala tayong isang uniform schedule ng tinatawag na curfew hours, kaya tayo nanawagan sa Metro Manila mayors na sana po ay maging uniform ang curfew, number one, para mapigilan ang paglobo ng kaso," ani Malaya.

Inirerekomenda ng DILG na gawing alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling ang curfew.

ADVERTISEMENT
Sa kasalukuyan, ang ibang lugar sa Metro Manila ay nagpapatupad ng curfew simula alas-10 ng gabi, habang alas-12 ng hatinggabi naman sa ilan, ayon sa ahensiya. Natatapos ito ng alas-3 o alas-4, or alas-5 ng madaling araw, depende sa lokalidad.

Base sa datos ng Department of Health, na inaral ng ABS-CBN Data Analytics Team, 6 na sunod na araw nang lagpas sa 1,000 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitatala sa buong Metro Manila.

Sa Las Piñas, nababahala ang city health office sa halos pagdoble ng bilang ng bagong kaso kada araw nitong linggo kompara noong nakaraang buwan.

Ayon kay Dr. Julie Gonzales ng Las Piñas City Health office, ilan sa mga nagpopositibo sa sakit ay magkakapamilyang nakatira sa iisang tahanan.

Nagsagawa na ng lockdown ang lungsod sa ilang kabahayang tinamaan ng COVID-19.

Pinag-aaralan na rin ng lokal na pamahalaan ang pagsasara sa ilang komunidad upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Sa Muntinlupa, magtatayo muli ng checkpoint sa pagitan ng bawat barangay upang masita ang mga hindi awtorisadong lumabas.

Patuloy rin ang localized community quarantine sa ilang barangay sa Pasay.

Kung noong nakaraang linggo ay 85 barangay ang nasa ilalim ng localized quarantine, nasa 60 na lang ito ngayon.

-- Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
metro
metro news
Metro Manila
National Capital Region
curfew
NCR Covid-19 cases
Department of the Interior and Local Government
uniform curfew
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT