COVID-19 cases sa Metro Manila lagpas 1,000 sa nakaraang 5 araw | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 cases sa Metro Manila lagpas 1,000 sa nakaraang 5 araw

COVID-19 cases sa Metro Manila lagpas 1,000 sa nakaraang 5 araw

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 11, 2021 07:17 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakaalerto ang mga alkalde sa Metro Manila dahil sa pagsipa ng mga kaso ng COVID-19.

Nitong Lunes, Marso 8, 1,663 na bagong kaso ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Metro Manila.

Base sa ABS-CBN Data Analytics, kalahati ito ng kabuuang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Huling nakita ang ganoong pagtaas noong Setyembre 15, 2020 o halos 6 na buwan na ang nakakaraan.

ADVERTISEMENT

Ito rin ang panglimang sunod na araw na lagpas sa 1,000 ang bagong kasong naitala sa Metro Manila.

Sa kaso ng Pasay City, na itinuturing na isa sa sentro ng mga panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, bahagya umanong bumagal ang pagkalat ng coronavirus noong Lunes.

Pero ayon kay Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano, masyado pang maaga para masabing kontrolado na nila ang outbreak sa lungsod kaya mananatiling mataas ang kanilang lebel ng pagtugon sa COVID-19.

Nasa 501 ang kabuuang bilang ng active COVID-19 cases sa Pasay, kung saan nakumpirmang mayroong mga nas nakahahawang variant ng COVID-19.

"May napapansin kaming pagbaba pero hindi pa rin kami nagiging kumpiyansa, talagang patuloy ang paghahanda namin sa lahat ng containment actions," ani Rubiano.

ADVERTISEMENT

Sa Muntinlupa naman ang may pinakamababang aktibong kaso sa Metro Manila, na nasa 132.

Gayunpaman, nababahala pa rin umano ang local government unit (LGU) ng Muntinlupa sa pagtaas ng kanilang kaso matapos ang Valentine's Day.

Nakatakdang magpulong ang Metro Manila Council para pag-usapan ang mga hakbang laban sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos Jr.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa Quezon City, isinailalim simula ngayong Martes sa 2 linggong special concern lockdown ang isang bahagi ng Barangay Sta. Lucia.

Bago nito, may nauna nang 11 lugar sa lungsod ang isinailalim sa special lockdown.

ADVERTISEMENT

Sa Maynila, isasailalim naman sa lockdown simula Huwebes (Marso 11) hanggang Linggo (Marso 14) ang Barangay 351 at 725 pati ang Malate Bayview Mansion at Hop Inn Hotel sa Barangay 699.

Tumaas din ang kaso ng COVID-19 sa Caloocan City kaya paiigtingin umano ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng quarantine pass at curfew.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tinitingnan na rin ng LGU ang pagpapatupad ng "palengke holiday," sabi ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan.

Puspusan din ang contact tracing sa Malabon, na nasa "critical risk" ang classification dahil sa pagdami ng COVID-19 cases.

Pinaigting naman ng Pasig LGU ang pagbabantay at pagtitiyak na naipatutupad ang health standards.

ADVERTISEMENT

Umapela rin ang Mandaluyong LGU sa mga residente ng lungsod na huwag magpakakampante matapos dumoble ang active cases sa lungsod sa loob lang ng isang linggo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinulong na ni Mandaluyong Mayor Carmelita Abalos ang mga barangay official para paalalahanang maghigpit sa pagpapatupad ng minimum health standards.

Sa San Juan, ipinatupad ulit simula ngayong Martes ang curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.

Exempted naman dito ang health workers, naka-duty na law enforcers, kawani ng pamahalaan, pati mga driver at nasa delivery service.

Nagbabala rin ang mga LGU ng Makati, Taguig at Pateros sa kanilang mga residente sa gitna ng patuloy na pagdami ng COVID-19 cases.

ADVERTISEMENT

Sa nakalipas na 7 araw, tumaas ang bilang ng active COVID-19 cases o nananatiling may sakit sa Makati.

Mula 443 noong Marso 2, nasa 632 na ito noong Marso 8 o may dagdag na 189 coronavirus infections.

Nasa "critical level" naman ang isa sa 3 COVID-19 referral hospital sa Makati, na nangangahulugang hindi bababa sa 85 porsiyento ang COVID-19 bed occupancy nito.

Nasa "high risk" naman ang isa pang ospital habang "moderate risk" ang pangatlo.

Iginiit ni Mayor Abigail Binay na hindi dapat magpakakampante ang publiko sa gitna ng tumataas na bilang ng mga kaso.

ADVERTISEMENT

Nagtala naman ng 300 bagong COVID-19 cases ang Taguig sa unang linggo ng Marso.

Sa Pateros, mula sa 33 active cases sa huling linggo ng Pebrero, umakyat ito sa 44 noong Marso 8.

Sa panayam, sinabi ni Pateros Mayor Miguel Ponce na nababahala siya sa napapansing hawahan ng mga magkakasama sa bahay.

Ngayong Martes, pumalo na sa higit 600,000 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas matapos makapagtala ng 2,668 bagong kaso ang Department of Health (DOH).

Sa bilang na iyon, 41,822 ang active cases, ayon sa DOH.

— Ulat nina Raffy Santos, Jorge Cariño, Ina Reformina, Vivienne Gulla at Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.