PNP nanindigang engkuwentro ang pamamaril sa Calbayog mayor; kampo ng alkalde umalma | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP nanindigang engkuwentro ang pamamaril sa Calbayog mayor; kampo ng alkalde umalma

ABS-CBN News
Published Mar 10, 2021 07:44 PM PHT
|
Updated Mar 10, 2021 08:18 PM PHT

MAYNILA — Nanindigan ang pulisya nitong Miyerkoles na hindi ambush ang naganap na pamamaril kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino, na ikinamatay ng naturang alkalde at 2 pang kasama.

Bagama't aminado si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na initial report pa lang ang kanyang natatanggap, naniniwala itong "napagkamalan" lang ng pulisya ang kampo ni Aquino.

"As initial report po ng RD (regional director) ng PRO 8 (police regional office 8) accordingly napagkamalan ng security ng mayor 'yung sasakyan na sumabay sa kanila ay akala nila, nagtamang duda sila na sinusundan sila. So according to them without apparent reason binaril 'yung sasakyan nila. So napilitan sila ngayon mag-responde," paliwanag ni Sinas.

Anim ang namatay, kabilang ang isang sibilyan.

ADVERTISEMENT
- Mayor Ronaldo Aquino
- Police Senior Sgt. Rodio Sario (Security ni Aquino)
- Dennis Abayon (Driver ni Aquino)
- Police Capt. Joselito Tabada
- Police Senior Sgt. Romeo Laoyon
- Clint John Paul Yauder (Sibilyan)

Tutulong na rin ang Criminal Investigation and Detection Group, ayon kay Sinas.

Pero muling umalma ang kampo ni Aquino.
Pero muling umalma ang kampo ni Aquino.
Muling iginiit ni Samar Rep. Edgar Sarmiento na ambush ang nangyari lalo na’t may viral video ngayon sa social media.

"Ang pinakamagandang ebidensiya ang mga videos po na naglalabasan. Sabihin na natin na unang pumutok si Mayor, natatawa po tayo, tingnan niyo na lang patay na ang mayor may lumapit pa binaril pa mismo, binalikan," sabi ni Sarmiento.

Makikita rin aniya sa video hindi kinordonan ang crime scene.

"Kung walang intensiyon, sabihin na natin misfire po ito, hindi nila alam na si mayor, ang unang gagawin po ng pulis, tutulungan po si mayor, dadalhin po sa ospital," dagdag ni Sarmiento.

—Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
Calbayog City
Mayor Ronaldo Aquino
Debold Sinas
pulis
PNP
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT