Calbayog City mayor namatay matapos ang 'shootout' laban sa mga pulis | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Calbayog City mayor namatay matapos ang 'shootout' laban sa mga pulis

Calbayog City mayor namatay matapos ang 'shootout' laban sa mga pulis

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Namatay na ang isang alkalde sa Samar matapos ang shootout umano ng mga tauhan niya at mga pulis sa Calbayog City Lunes ng hapon.

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na isa si Calbayog Mayor Ronaldo Aquino sa tatlong nasawi sa engkwentro. Naunang naiulat na napatay ang isang escort ng alkalde.

Patay din ang isang pulis at sugatan naman ang kasama nito.

Ayon kay Sinas, hindi pa kumpleto ang mga detalye ng insidente pero tiyak silang shootout ito at hindi ambush kagaya ng unang naiulat.

ADVERTISEMENT

Bumibiyahe noon si Aquino nang mangyari ang pamamaril sa Laboyao Bridge sa Brgy. Lonoy bandang alas-5:30 ng hapon.

Batay sa paunang impormasyon ng PNP, naunang nagpaputok ang grupo ng alkalde sa sinasakyan ng mga pulis na napadaan lang umano.

“Ang mga pulis natin who were passing by, based sa initial findings ng mga pulis natin, ay binaril ng mga escort ni mayor. Hindi nila alam na pulis ang nandoon sa loob, tapos ang mga pulis gumanti na lang,” ani Sinas.

Nauna nang sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana na ipinaiimbestigahan na ni Sinas kay Region 8 Police director Brig. Gen. Ronaldo de Jesus ang pangyayari.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.