Duterte naniniwalang dumami ang COVID-19 cases dahil sa pagpapabaya ng publiko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte naniniwalang dumami ang COVID-19 cases dahil sa pagpapabaya ng publiko

Duterte naniniwalang dumami ang COVID-19 cases dahil sa pagpapabaya ng publiko

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 09, 2021 06:58 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte na kaya tumaas ulit ang kaso ng COVID-19 ay dahil binabalewala ng maraming Pilipino ang minimum health standards.

Dahil dito, ipinayo ni Duterte sa publiko na huwag kalimutang sumunod sa health and safety protocols.

“Alam mo, maraming namatay, marami rin ang may sakit. Ang pinakamataas ngayon Metro... ang Manila, Manila mismo. Ngayon, ano’ng dahilan nito? Well, ‘yong hindi maniwala sa social distancing, hindi naman naniniwala sa personal hygiene,” ani Duterte sa public address gabi ng Lunes.

“We have these variants. Malakas ito.. Sana, sana kung makatulong kayo sa bayan, sumunod na lang kayo at medyo mapababa natin ang kaso ng COVID-19,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Sa parehong public address, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na kasimbisa ng mga bakuna ang pagsunod sa health protocols para makaiwas sa COVID-19, na ngayo’y nakapanghawa na ng higit 597,000 tao sa bansa mula nang una itong maitala noong nakaraang taon.

Nakiusap din ang pangulo sa publiko na pagkatiwalaan ang gobyerno sa mga iniuutos nito.

“Hindi kami nagkakamali kasi trabaho namin iyan. Bayad kami diyan. At kung bayad kami diyan, ano gagawin namin sa pagbabayad niyo? Mag-upo lang? Kung ano ang mandate ng batas kasi kami ang inyong hinalal, eh di sumunod kayo kasi ito ay para sa inyo,” aniya.

Ini-report ni Duque kay Duterte ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, at Central Visayas.

Sa Metro Manila, nasa “criticial risk” classification ang Pasay City at Malabon habang “high risk” naman ang Navotas, Makati at San Juan.

Pagdating sa health care utilization rate ng mga ospital, Central Visayas at Cordillera Administrative Region umano ang pinakamataas. Mataas din ito sa Makati City at Davao Occidental.

Ayon kay Duque, tumaas ang mga kaso dahil sa mas nakahahawang United Kingdom at South African variants ng sakit.

Nakipagpulong na umano ang Department of Health sa mga alkalde ng Metro Manila para paigtingin ang prevention, detection, isolation at treatment ng mga tinatamaan ng virus.

Pinayo rin ni Duque na damihan ang contract tracers sa ilang piling lugar tulad ng Pasay, Malabon, Navotas at Makati.

Samantala, sinisi naman ni Duterte kay Vice President Leni Robredo ang umano'y hindi pagtitiwala ng ilang Pilipino sa COVID-19 vaccines na nakuha ng pamahalaan.

Ito’y matapos segundahan ni Robredo ang rekomendayon ng ilang doktor na idaan muna sa review ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang Sinovac vaccines na donasyon ng China bago ito ipagamit sa health care workers, dahil na rin sa umano’y mababang efficacy rate ng bakuna.

Ayon kay Duterte, dahil sa mga pahayag ni Robredo, nagdududa tuloy ang publiko sa mga bakunang nakukuha ng gobyerno at nasasayang ang mga ginagawa para pataasin ang kumpiyansa sa bakuna.

“Imbes na makatulong si Vice President, she muddled up everything, thereby I said creating uncertainty and doubt in the minds of the people,” ani Duterte.

Matatandaang sinegundahan ni Robredo ang aniya'y pag-aalangan ng ilang health workers sa Philippine General Hospital at ng Health Professionals Alliance against COVID-19, sa bakuna ng Sinovac dahil sa kakulangan ng "positive recommendation" mula sa HTAC.

"Hindi ito labanan na dahil gawa sa China. Hindi iyon. Para sa atin, kahit saan iyon ginawa, basta nag-go through siya noong proseso na nire-require natin of all vaccines, kailangang magtiwala tayo sa ating mga ahensya. Kasi nandiyan sila for a particular mandate, at iyong mandatong iyon, para proteksyunan tayo, ‘di ba?" ani Robredo sa kaniyang programa sa radyo noong Pebrero 28.

Nasa 1,125,600 doses na ng bakuna ang nakuha ng bansa sa pinagsamang paunang deliveries ng Sinovac at AstraZeneca.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, inaasahang aabot sa 20 million doses ang made-deliver sa bansa sa second quarter ng 2021.

Nasa 70 milyon ang target ng pamahalaan na mabakunahan upang magkaroon ng "herd immunity" ang bansa kontra COVID-19.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.