Alert level 2 itinaas sa Bulkang Taal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alert level 2 itinaas sa Bulkang Taal

Alert level 2 itinaas sa Bulkang Taal

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 09, 2021 07:46 PM PHT

Clipboard

Ang Bulkang Taal na tanaw mula Laurel, Batangas noong Enero 28, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Puspusan ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan sa Batangas sakaling lumala ang sitwasyon matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 2 ang Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs, patuloy ang volcanic tremors o mga pagyanig sa bulkan, kung saan ang iba'y nagdudulot pa ng pagbuka ng lupa.

Umiinit din umano ang crater lake at nagiging acidic ang tubig, at patuloy na namamaga ang Taal Volcano Island.

Kahulugan ng bawat alert level ng bulkan. ABS-CBN News

Nagbago rin umano ang gravity sa paligid ng Taal, na senyales ng paggalaw ng magma.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, maliban sa mga nakatira sa Volcano Island, wala pang inililikas dahil hindi pa ito inirerekomenda ng Phivolcs.

Magugunitang noong Pebrero ay inilikas ang mga nakatira sa Volcano Island matapos magbabala ang Phivolcs ng posibleng phreatic explosion kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga naitatalang pagyanig sa isla.

Naaresto naman nitong umaga ng Martes ng mga awotridad ang 6 na tao matapos makalusot at pumunta sa main crater ng bulkan.

Dahil dito, iniutos ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa Philippine Coast Guard at mga local government unit (LGU) na paigtingin pa ang pagbabantay sa paligid ng bulkan para walang makapuslit.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ikinakasa na rin ng mga LGU ang paghahanda sa paglikas, lalo na sa mga barangay na nasa loob ng 7-kilometer danger zone.

Nakakasa na rin umano ang mga lugar na paglilikasan ng mga taga-Batangas.

"Mayroon nang preparedness ang Cavite at mayroon na rin tayong communication sa Quezon at Laguna," ani Lito Castro, namumuno sa Batangas PDRRMO.

Pinaiksi na rin ng mga awtoridad ang window hour na pinapayagang magpakain ang mga mangingisda sa mga fish cage sa lawa sa Taal.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.