Mobile salon, bagong misyon ng grupong nag-aalok ng libreng gupit sa mga pulubi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mobile salon, bagong misyon ng grupong nag-aalok ng libreng gupit sa mga pulubi

Aleta Nieva-Nishimori,
ABS-CBN News
Published Mar 04, 2021 07:51 PM PHT

MAYNILA - Mas malaki ang misyon ngayon ng isang hairstylist na nagbibigay ng libreng gupit sa mga street dweller sa Metro Manila.

Ayon kay Marko Bustarde, pangarap niyang magkaroon ng mobile salon o barbershop na iikot para magbigay ng libreng serbisyong gupit sa mga pulubi at homeless.
“Iikot siya at ang purpose nun, magbigay ng libreng pagkain sa mga stray dogs and cats; at the same time, libreng service na haircut, total makeover sa mga homeless, yung mga taong walang pambayad sa hygiene pagdating sa haircut. Yun ang plano ko sanang matupad,” sabi ni Bustarde sa panayam sa ABS-CBN TeleRadyo Huwebes ng hapon.

Ikinatutuwa ni Bustarde na maraming mga tulad niyang nagtatrabaho sa hair industry ang kasama na niya ngayon sa misyon. Tinawag nila ang kanilang grupo na “Team Hair Artists Pilipinas.”
“Meron na po akong team ngayon na mga hair artists na willing maggupit sa mga kababayan natin. Target namin, mga pulubi, palaboy. Sila po yung mga tao na talagang ‘di na nila iniisip pagpapagupit; pagkain na lang," sabi niya.

"Ang purpose lang niya ay talagang tumulong,” dagdag niya, patungkol sa grupo nila.
"Ang purpose lang niya ay talagang tumulong,” dagdag niya, patungkol sa grupo nila.
ADVERTISEMENT
Noong nakaraang taon unang naisip ni Bustarde ang manggupit nang libre sa mga taong nakatira sa kalsada.

“Naisipan ko po siya kasi naaawa po ako sa kanila. Nag-start po ito noong Dec. 25, last year. Parang gift ko po kay God na makapag-serve po sa kanya,” sabi niya.

Senior hairstylist sa isang salon si Bustarde na may walong taon na din sa kaniyang industriya.

“Nag-pray po ako kay God na bigyan ako ng content, ng idea na pwede akong makapag-inspire ng ibang tao, pwede akong makatulong. Gusto ko po merong sense yung dino-document ko hanggang sa na-realize ko na ibigay nang libre yung skill ko, trabaho ko po,” kuwento niya.

Ito rin aniya ang nakatulong sa kaniya para tuluyang talikuran ang masamang bisyo tulad ng sobrang pag-inom ng alak at paninigarilyo.

Mahirap aniya ang ginagawa niya, lalo noong nagsisimula pa lamang siya sa kaniyang misyon, dahil sa pandemya.

“Pinag-iisipan ko, pinagpaplanuhan ko rin po, at the same time, safety first. Nag-iingat din sa virus na COVID-19. Iniingatan ko ang sarili ko, tinitingnan ko muna bago ko gawin yung misyon, bago ko i-offer yung libreng gupit,” sabi niya.

Hinikayat naman niya ang iba pang kasamahan sa industriya na nais din na sumali sa kanilang misyon.

Pinasalamatan ni Bustarde ang lahat ng mga nagbibigay-tulong at suporta sa kanilang grupo.