Hairstylist alok libreng gupit sa mga street dweller sa Metro Manila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hairstylist alok libreng gupit sa mga street dweller sa Metro Manila

Hairstylist alok libreng gupit sa mga street dweller sa Metro Manila

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 04, 2021 09:15 PM PHT

Clipboard

Screenshot mula sa YouTube channel ni Marko Bustarde.

MAYNILA — Sa kaniyang libreng oras, alok ng isang hairstylist mula sa Caloocan City ang libreng gupit para sa mga street dweller sa Metro Manila.

Kwento ni Marko Bustarde sa ABS-CBN News, nagsimula ang inisyatibang ito nitong Disyembre at pinagpapatuloy na niya ang gawain tuwing Martes. Ito ang kaniyang naging paraan para mailayo ang sarili sa masamang bisyo.

“‘Yung moment na nag-decide na ako itigil ang bad habits, yosi at alak, adiksyon ko… tsaka s’ya nabuo, [mga] homeless, scavenger, mga bata sa lansangan [ang binibigyan ng libreng gupit], pag-asa para sa kanila,” kuwento ni Marko Bustarde sa ABS-CBN News nitong Miyerkoles.

Aniya, masaya siya na may mga natutulungan siya at pakiramdam niya’y may misyon siya sa buhay.

ADVERTISEMENT

“Happy ako kasi may purpose [ako] sa life, sa ngayon 9 [na ang nagupitan] na … Ginagawa ko lang ‘to kapag may free time ako kasi family man na din ako,” aniya.

Si Bustarde ay may isang anak, habang ang asawa ay kasalukuyang buntis. Tumutulong din ito sa mga magulang at tatlo pang kapatid.

Hiling ni Bustarde na magpatuloy pa ang kaniyang inisyatiba at hinihikayat din ang publiko na tumulong sa kapwa sa abot ng kanilang makakaya.

“Kung mayroon kang kakayahang magbahagi ng tulong like nagbebenta ka ng sabon, vitamins, unan, kumot… pwede nating i-share ‘to,” aniya.

“Dapat safety first, sanitize maigi at siguraduhing hindi makakaperwisyo… sa mga taong nakapaligid sa’yo.”

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.