Ilang paaralan balik online classes dahil sa inaasahang transport strike | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang paaralan balik online classes dahil sa inaasahang transport strike

Ilang paaralan balik online classes dahil sa inaasahang transport strike

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 04, 2023 11:08 AM PHT

Clipboard

MAYNILA (6th UPDATE) — Balik online classes ang ilang paaralan sa bansa dahil sa inaasahang malawakang tigil-pasada o transport strike sa susunod na linggo.

Magtatagal nang 1 linggo, mula Marso 6 hanggang 12, ang ikakasang tigil-pasada ng mga jeep at UV Express na kasapi ng mga grupong Alliance of Concerned Transport Organizations, Manibela at Piston bilang pagtutol sa PUV modernization program.

Dahil dito, nag-anunsiyo na ang ilang eskuwelahan ng suspensiyon ng face-to-face classes at sa halip ay online muna, kabilang ang mga sumusunod:

  • Ateneo de Manila University (Marso 6 hanggang 11)
  • Adamson University (Marso 6 hanggang 11)
  • De La Salle University Manila campus (Marso 6 hanggang 11)
  • La Salle Green Hills (Marso 6 hanggang 10)
  • University of Santo Tomas (Marso 6 hanggang 12)
  • University of the Philippines (Marso 6 hanggang 12)
  • Polytechnic University of the Philippines (Marso 6 hanggang 10)
  • OB Montessori Center (Marso 6 hanggang 10)
  • University of the East (Marso 6 hanggang 11)
  • Cavite State University (Marso 6 hanggang 11)
  • San Sebastian College - Recoletos Manila (Marso 6 hanggang 12)
  • Bulacan State University (Marso 6 hanggang 11)

Nag-anunsyo rin ang Marikina ng suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas kasabay ng transport strike.

ADVERTISEMENT

"Sa mga araw na mayroong tigil-pasada, ipagpapatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang gawain at pag-aaral sa kanilang tahanan gamit ang kanilang modules. Sa mga may kakayahan, maaaring magsagawa ng online classes bilang alternative learning modality," ayon sa Marikina Public Information Office.

Ipapatupad naman sa mga public school sa Quezon City at Maynila ang "asynchronous classes" o online classes.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.