Transport groups may ikinakasang tigil-pasada sa Marso 6-12 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Transport groups may ikinakasang tigil-pasada sa Marso 6-12

Transport groups may ikinakasang tigil-pasada sa Marso 6-12

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 27, 2023 08:19 PM PHT

Clipboard

Commuters wait for a ride along Commonwealth Avenue in Quezon City on Tuesday. Another round of fuel hike has been implemented, with diesel prices going up as high as P6.10, which may further deter jeepney drivers to operate as they wait for a pending fare hike.  Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA -- May ikinakasang isang linggong tigil-pasada ang ilang grupo ng mga jeepney at UV Express operator bilang pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng pamahalaan.

Marso 6 hanggang 12 ang ikakasang tigil-pasada ng mga jeep at UV Express na kasapi ng mga grupong Alliance of Concerned Transport Organizations, Manibela at Piston.

Nasa 40,000 units ang inaasahang makikiisa sa Metro Manila na sakop ang lahat ng ruta.

Ang tigil-pasada ang sagot ng mga grupo sa pagbibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng deadline na Hunyo 30 sa mga operator na hindi pa nakasunod sa industry consolidation.

ADVERTISEMENT

Bahagi ito ng PUV Modernization Program, kung saan kailangang maging kasapi ng kooperatiba o korporasyon ang mga operator at tsuper.

Kung hindi makapag-consolidate o kahit pending application hanggang Hunyo 30, mapapaso ang provisional authority ng mga tsuper at hindi makakapamasada.

Una nang sinabi ng LTFRB na hindi agad patitigiling pumasada ang mga tradisyunal na jeep basta susunod sa industry consolidation.

Pero ang mismong pagsali sa mga kooperatiba ang kinukuwestiyon ng mga operator, bukod pa sa gastos sa pagpapalit sa modern jeep na nagkakahalagang higit P2 milyon kada unit.

Balak din ng ilang transport group na magsampa ng temporary restraining order laban sa PUV Modernization Program.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang LTFRB at Department of Transportation hinggil sa planong tigil-pasada ng mga operator.

— Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.