Mga palengke, grocery sa Navotas, sarado muna tuwing Lunes | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga palengke, grocery sa Navotas, sarado muna tuwing Lunes

Mga palengke, grocery sa Navotas, sarado muna tuwing Lunes

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 28, 2021 09:01 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isasara muna lahat ng pampublikong palengke, grocery stores at talipapa sa lungsod ng Navotas tuwing Lunes.

Sa inilabas ng executive order ni Mayor Toby Tiangco nitong Biyernes, nakasaad na kailangang isara ang mga naturang establisimyento isang araw bawat linggo para sa paglilinis at disinfection.

Ang palengke, grocery at talipapa, aniya, ay laging puntahan ng mga tao, kaya posibleng magkaroon ng hawaan ng COVID-19 kung hindi ma-disinfect ang mga lugar na ito.

Nababahala ang lokal na pamahalaan dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

ADVERTISEMENT

Nitong Biyernes lang, nadagdagan ng halos 100 bagong kaso sa loob lang ng isang araw -- pinakamarami ngayong taon.

Dagdag pa ni Tiangco, sa datos ng City Epidemiology Surveillance Unit, tumaas ng 349% ang mga COVID-19 cases sa Navotas.

Nagsagawa ang lungsod na malawakang mass testing nitong nakalipas na mga araw. At sa higit 2,300 na swab test, higit 8% ang nagpositibo.

Karamihan sa mga na-test ay mga empleyado ng city hall. At sa mga nagpositibo, 83 ang city hall employees - kasali na rito ang mga empleyadong hindi nagtatrabaho sa mismong city hall kundi field worker.

Ayon sa alkalde, may local transmission o pagkalat ng COVID-19 sa Navotas kaya kailangang gumawa ng paraan para maiwasan ito, gaya ng disinfection ng mga palengke at grocery stores.

Patuloy namang pinaaalalahanan ang lahat ng residente na sumunod sa mga health protocol.

"Tungkulin po natin na gawin ang lahat ng makakaya para maiwasan ang paglala ng hawahan. Kailangan magmalasakit po tayo sa isa’t isa," ani Tiangco.

Sa ulat nitong Sabado, umabot na sa 6,057 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Navotas, kung saan 301 ang active cases, 193 ang namatay, at 5,563 naman ang gumaling.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.