Nasa P340K halaga ng shabu, narekober sa suspek sa Cabanatuan City

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2021 01:41 PM

Huli sa buy-bust operation ang isang lalaki at narekober sa kaniya ang 13 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000. Larawan mula sa Police Regional Office 3

Tinatayang P340,000 halaga ng hinihinalang shabu na narekober ng awtoridad sa buy-bust operation na nagresulta din sa pagkaaresto sa isang lalaki sa Cabanatuan City.

Miyerkoles nang magkasa ng operasyon ang Special Drug Enforcement Unit ng Cabanatuan City Police sa Champaca 1, Barangay Dicarma. 

Umabot sa 13 sachet ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa target na isang 43-anyos na lalaki.

Nasa 50 grams ang kabuuang bigat ng nakuhang droga na nasa P340,000 ang estimated street value.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC

- Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.