Ipinalaman sa tinapay: Higit P200K halaga ng 'shabu' nakumpiska sa buy-bust sa Iloilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ipinalaman sa tinapay: Higit P200K halaga ng 'shabu' nakumpiska sa buy-bust sa Iloilo

Ipinalaman sa tinapay: Higit P200K halaga ng 'shabu' nakumpiska sa buy-bust sa Iloilo

ABS-CBN News

Clipboard

Narekober ng awtoridad ang 14 sachet ng hinihinalang shabu na isinilid ng mga suspek sa tinapay sa ikinasang buy-bust operation sa La Paz, Iloilo City. Larawan mula sa Regional Police Drug Enforcement Unit 6

ILOILO CITY - Arestado sa buy-bust operation ang dalawang lalaki sa La Paz dito sa siyudad matapos makuhanan ng higit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu na ipinalaman sa tinapay, Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay isang guwardiya at isang waiter.

Nabilhan ang dalawa ng isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P17,000 at dagdag na narekober sa pangangalaga nila ang 14 pang sachet na nakapalaman sa tinapay at may halagang higit sa P200,000.

Narekober din sa kanila ang P17,000 na boodle money at ang P100 marked money.

ADVERTISEMENT

Nakakulong na sa La Paz Police ang dalawang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Drugs Act of 2002.

FROM THE ARCHIVE:

- Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.