6 tiklo sa anti-drug ops sa QC; panty at damit, ipinambabayad kapalit ng shabu | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
6 tiklo sa anti-drug ops sa QC; panty at damit, ipinambabayad kapalit ng shabu

ABS-CBN News
Published Feb 14, 2019 04:56 AM PHT
|
Updated Feb 14, 2019 08:23 AM PHT

MAYNILA - Arestado ang 6 katao sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa Quezon City sa magdamag.

Nahuli ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 ang 3 lalaki at 1 babae sa isang fast-food restaurant sa Novaliches.

Nakuha sa kanila ang aabot sa P346,000 na halaga ng hinihinalang shabu.

Target ng buy-bust si alyas Alon na umamin sa kaniyang negosyo. "Mga 2 taon na, walang hanapbuhay eh," aniya.
Target ng buy-bust si alyas Alon na umamin sa kaniyang negosyo. "Mga 2 taon na, walang hanapbuhay eh," aniya.
ADVERTISEMENT
Kapag walang pambayad ang ilang kustomer, tumatanggap siya ng damit at cellphone kapalit ng droga.

Sa Pasong Tamo naman, timbog ang mag-ina matapos salakayin ng mga pulis ang bahay nila na ginagawa umanong drug den.

Kuwento ni alyas Marie, may mga nag-aalok sa kaniya na magbayad ng 5 bagong panty, kapalit ng isang sachet ng shabu.

Mga dealer umano ng underwear at cosmetics ang ilan sa mga parokyano niya.

"Kapag droga kasi kahit anong bagay talaga puwede," ani Insp. Harry Basilia ng QCPD Station 3.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News