FDA nilinaw na puwedeng tanggapin ng health workers ang Sinovac vaccines | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FDA nilinaw na puwedeng tanggapin ng health workers ang Sinovac vaccines

FDA nilinaw na puwedeng tanggapin ng health workers ang Sinovac vaccines

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na puwede namang tumanggap ng bakuna kontra COVID-19 ng Chinese company na Sinovac ang mga health worker, na prayoridad ngayon ng gobyernong maturukan laban sa sakit.

Pero ayon kay FDA Director General Eric Domingo, maaaring hindi ito akma sa mga nagtatrabaho sa COVID-19 ward mismo.

"Hindi naman po sa hindi puwede. Sinabi lang namin hindi ma-recommend doon sa mga doktor at nurse na talagang nanggagamot sa COVID-19 patients," ani Domingo.

Ayon sa FDA, nasa 65.3 porsiyento hanggang 91.2 porsiyento ang efficacy rate ng Sinovac sa mga bansang nakasubok nito.

ADVERTISEMENT

Pero bumaba umano ito sa 50.4 porsiyento base sa isang pag-aaral sa mga health worker sa Brazil.

Kaya kasalukuyang nagpupulong ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) upang malaman kung paano susundin ang kasalukuyang prioritization framework ng Pilipinas habang sinusunod ang nakasulat sa emergency use authorization (EUA) ng Sinovac.

Ang rekomendasyon ng NITAG ay ipapakita kay Galvez at Health Secretary Francisco Duque III bago ianunsiyo sa publiko.

Samantala, nilinaw din ng FDA na lahat naman ng bakuna ay tini-test muna sa mga nasa edad 18 hanggang 59 kaya sa ngayon, hindi rin inirerekomenda na gamitin ang Sinovac vaccine sa senior citizens.

"'Pag nagkadatos po doon, maaari pong idagdag 'yon later on," ani Domingo.

Sinabi ng Department of Health na pag-iingat lang din ang rekomendasyong huwag ibigay ang Sinovac sa health workers at mayroon namang ibang sektor na puwedeng makatanggap nito.

"Nandiyan na po 'yong essential workers and the uniformed personnel," ani Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Sinabi rin ng FDA na katanggap-tanggap naman kahit sa World Health Organization (WHO) ang 50-percent efficacy rate.

Ayon sa WHO, gobyerno ang magpapasya kung kanino ibibigay ang bakuna ng Sinovac na hindi pa naisama sa sariling emergency use listing ng WHO.

Pero mas maganda umanong makapagbigay ng bakunang mas matas ang proteksiyon sa health workers.

"We believe that having using vaccines with higher efficacy, to predict the most at risk who will be naturally more exposed to COVID-19 infections, will be a better solution, especially if that process can be accomplished without too much delay," ani WHO Philippines Country Representative Rabindra Abeyasinghe.

Tinutulungan umano ngayon ng WHO ang Pilipinas para makakuha ng mga bakuna mula Pfizer at AstraZeneca para sa COVAX Facility para masimulan na ang immunization program ng bansa.

-- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.