Comelec handa sakaling kasuhan dahil sa Oplan Baklas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Comelec handa sakaling kasuhan dahil sa Oplan Baklas

ABS-CBN News
Published Feb 21, 2022 07:51 PM PHT

MAYNILA — Kung ang Commission on Elections (Comelec) ang tatanungin, mas gusto nilang ituloy ang banta na paghahain ng kaso laban sa kanila hinggil sa pagpapatupad nila ng regulasyon ngayong panahon ng kampanya, partikular na ang kontrobersiyal na Oplan Baklas.

Matatandang nagbanta ang kampo ni Vice President Leni Robredo na magsasampa ng kaso sa Comelec matapos nitong pagbabaklasin ang kanyang campaign posters sa ilang bahagi ng bansa na umano’y hindi nakasunod sa tamang sukat, at nailagay din sa mga maling lugar.

"Maganda po iyon. Tuloy na lang po nila para malinaw din iyong isyu. Kasi, ang sa amin po, mayroong operational guidelines din naman kami. So kung, again, sabi ko nga, bukas ang Comelec sa pagri-reevaluate ng guidelines na iyan... Kung gusto nilang magkaso, that is perfectly well within their rights po," ani Comelec spokesman James Jimenez.

Nanindigan naman muli si Jimenez na sakop ng kanilang panuntunan ang private properties kung saan nakalagay ang campaign posters.

"Base sa aming interpretasyon ng batas at ng Supreme Court jurisprudence puwede nating i-regulate pagdating sa private property iyong sukat lamang, hindi iyong paglalagay or iyong dami ng ilalagay. So, basically sukat lang talaga two feet by three feet. Iyon lang naman ang nagiging basehan natin," ani Jimenez.

"Agree naman po ako na hindi talaga puwedeng basta-basta magbaklas. Kaya nga po ang polisiya ng Comelec at ang ginagawa ng ating officers ay nagpapaalam muna," dagdag ng opisyal.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang pagpapatupad ng Oplan Baklas.

—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
oplan baklas
Comelec
halalan
halalan 2022
halalan2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT