Magkapatid na nanutok ng baril sa kapwa motorista, tiklo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkapatid na nanutok ng baril sa kapwa motorista, tiklo

ABS-CBN News
Published Feb 18, 2021 09:49 AM PHT

Arestado ang magkapatid na sakay ng kolong-kolong matapos na manutok ng baril sa kapwa motorista sa Tarlac.

Agad na nahuli ng Santa Ignacia Municipal Police Station sa Tarlac ang mag-utol na sina Ariel Clinton at Mark Joshua Palaganas dahil sa insidenteng naganap noong Sabado.

Ayon kay Police Brig. Gen. Valeriano De Leon, Regional Director ng Police Regional Office 3, nag-overtake umano ang magkapatid sakay ng kolong-kolong sa elf truck na minamaneho ni Jonathan Celario.

Hinarang umano ng mga suspek ang kanilang kolong-kolong sa truck at nagkaroon ng komprontasyon na nauwi sa mainit na pagtatalo hanggang sa tutukan na nila ng baril ang biktima.

Tiyempong nakita ni Police Cpl. Mark Jayson Gampon ang pangyayari habang pauwi siya mula sa duty niya sa Regional Mobile Force Battalion 3 sa Pampanga.

Kaagad itong humingi ng back-up para habulin at arestuhin ang mga suspek.

Nakuha sa magkapatid ang ipinangtutok na kalibre .22 na baril na walang serial number.

Nasampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 at threat ang magkapatid. Paalala naman ng awtoridad sa publiko, partikular sa mga motorista, na banayad lang sa pagmamaneho at iwasan ang init ng ulo sa daan.

- Ulat ni Gracie Rutao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT