Pacquiao gustong iparegulate ang e-sabong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pacquiao gustong iparegulate ang e-sabong

Pacquiao gustong iparegulate ang e-sabong

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

Sen. Manny Pacquiao. File photo
Sen. Manny Pacquiao. File photo

Handang lumahok si Sen. Manny Pacquiao sakaling imbestigahan ng Senado ang isyu sa e-sabong.

Ito ay para mailatag din anya ang mga panuntunan at ma-regulate ito.

Bagamat tutol siya sa sugal, dapat pa rin anyang aralin ito.

"Kung ibabawal natin yung e-sabong, ibawal din natin yung online casino. Anong pinagkaiba ng e-sabong at online casino?" aniya.

ADVERTISEMENT

"So maging fair lang tayo na hindi magsarado agad. I-balance natin. Kaya ang sabi ko i-regulate lang. Kasi kung isarado natin yan, ibawal din natin yung casino. I-regulate lang ng gobyerno nang hindi 'yung mga bata malulong."

Aniya, mahalaga rin na magkaroon ng gabay sa mga bata nang hindi sila sumubok magsugal.

"Pangaralan natin sila na ang malulong sa sugal ay 'di maganda," sabi ng presidential candidate.

Kabilang sa gustong ipatupad ni Pacquiao ay ipagbawal ang e-sabong sa mga nasa edad 15 pababa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.