PatrolPH

Bangkay ng teenager na hinihinalang tinangay ng baha, natagpuan sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2021 12:06 PM

Bangkay ng teenager na hinihinalang tinangay ng baha, natagpuan sa Davao del Norte 1
Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa ilog sa  Santo Tomas, Davao del Norte noong Pebrero 16, 2021. Retrato mula sa Santo Tomas local government unit

Natagpuan ng mga rescuer noong umaga ng Martes ang bangkay ng isang 15 anyos na lalaki sa ilog sa bayan ng Santo Tomas, Davao del Norte.

Ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan, nakita pa noong Lunes si Rovic Estores na naliligo sa Lunga-og River kasama ang isang grupo.

Nawala ito kinagabihan sa kasagsagan ng matinding ulan at pag-apaw ng ilog, na nagdulot ng pagbaha sa komunidad.

Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ang tulong, gaya ng pagkain at burial assistance, para sa pamilya ni Estores.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.