Mga dapat isaalang-alang para iwas-lunod, ayon sa safety expert | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga dapat isaalang-alang para iwas-lunod, ayon sa safety expert

Mga dapat isaalang-alang para iwas-lunod, ayon sa safety expert

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 15, 2019 03:11 PM PHT

Clipboard

Marami na naman ang tutungo ngayong tag-init sa mga swimming pool at beach. Pero kadikit nito ang banta ng mga aksidenteng maaaring maranasan sa tubig.

Nagbahagi ang survival specialist at safety expert na si Dr. Ted Esguerra ng mga bagay na dapat isaalang-alang bago magtampisaw sa mga palanguyan para makaiwas sa pagkalunod.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Esguerra, mainam na suriin muna ang sariling pangangatawan kung handa ba sa mga pang-outdoor na aktibidad.

"Baka naman masakitin ka, umuubo ka. Na-expose ka sa mainit na araw, bumagsak immune system mo, baka lalo kang ubuhin," ani Esguerra.

ADVERTISEMENT

"Inaantok ka... nagmaneho ka, baka doon pa nadisgrasya ka," dagdag niya.

Dapat ding alamin kung mayroon sa pupuntahan na lifeguard o responder, na maaaring tumugon sakaling magkaroon ng disgrasya, ani Esguerra.

Ipinayo ni Esguerra na tanungin sa pupuntahang resort kung mayroon ba silang certified lifeguard.

Maganda rin umanong may miyembro ng grupong kasama sa lakad na maalam sa kaligtasan at maaaring magsilbing "tagapagpaalala."

Pagdating sa paglalanguyan, alamin kung ang pinagliliguan ay bahagi ng "swimming lane o swimming area."

"Kasi baka naman 'yong swimming area mo masyadong maalon, humahampas sa mga batuhan," ani Esguerra.

"Kailangan mayroong designated na, 'Ito lang, dito lang kayo ha, huwag kayong lalampas,'" dagdag niya.

Binigyang diin ni Esguerra ang kahalagahan ng pagsusuot ng life jacket.

Hindi dapat aniya ibalewala ang life jacket kahit pa marunong lumangoy ang isang tao.

Sakali kasing mawalan ng malay ang taong marunong lumangoy sa gitna ng aksidente sa dagat, maaari pa rin itong lumutang sa tulong ng life jacket, ayon kay Esguerra.

Sinabi rin ni Esguerra na dapat manatili ang pagiging alerto kahit patapos na ang lakad at pauwi na.

"Kasi minsan kumpiyansa ka na, nakaligo ka na, nothing happens, pauwi ka na, akala mo everything's all right, doon ka madadale," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.