ALAMIN: Kaibahan ng attempted at frustrated murder | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Kaibahan ng attempted at frustrated murder

ALAMIN: Kaibahan ng attempted at frustrated murder

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 27, 2019 12:11 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ang murder ay isang krimen kung saan sinasadya o may layunin ang pagpatay. Kung bigo ang mga suspek na mapatay ang biktima, maaaring isampa ang mga kasong 'attempted' at 'frustrated' murder.

Ngunit ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawang krimen? Tinalakay ito ni Atty. Claire Castro sa programang "Usapang de Campanilla" Martes.

Aniya, attempted murder ang krimen kung planado ang pagpatay pero hindi tinamaan ang biktima.

Isang halimbawa umano nito ay ang ginawang pananambang sa isang abogado sa northbound ng EDSA, Martes ng madaling araw.

ADVERTISEMENT

"Sa kaso n'ung pinaputukan siya, mapapansin mo na na-execute na 'yung plano. Kung hindi siya tinamaan...since hindi lahat-lahat na-execute, ang magiging kaso ng balak pumatay ay attempted murder," ani Castro.

Samantala, frustrated murder naman ang tawag kung planado ang pagpatay at tinamaan ang biktima, ngunit nakaligtas ito mula sa tangkang pagpatay.

"Sa frustrated kasi, lahat na-execute. Binaril, tinamaan, pero nabuhay. Let's say nadala agad sa ospital, hindi dahil sa free will n'ung gumawa...kung nadala sa ospital agad-agad, naoperahan, gumaling, that's frustated murder," sinabi ni Castro.

Maaari umanong maharap sa 6 na taong pagkakakulong kung ang kaso ay attempted murder, habang mas mataas naman ang parusa sa kasong frustrated murder na 12 taong pagkakabiblanggo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.