Abogado, tinambangan sa QC; Suspek na pulis, patay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Abogado, tinambangan sa QC; Suspek na pulis, patay

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Feb 13, 2018 03:15 AM PHT
|
Updated Sep 11, 2018 09:49 PM PHT

SUV, inambush sa EDSA northbound lagpas ng Quezon Ave. pic.twitter.com/0MCfAPRRzL
— Jekki Pascual (@jekkipascual) February 12, 2018

Tinambangan ang isang abogado ng 3 lalaki na sakay ng 2 motorsiklo sa northbound ng EDSA sa Quezon City Martes ng madaling araw.

Hindi naman nasaktan si Atty. Arjel Cabatbat.

Ngunit isa sa mga suspek na kinilalang si PO1 Mark Ayeras ng Northern Police District ay binawian ng buhay sa engkwentro.

Patay ang isang hinihinalang hitman sa ambush sa EDSA Quezon City. Suspek, pinaniniwalaang pulis. pic.twitter.com/66bH8ckIGK
— Jekki Pascual (@jekkipascual) February 12, 2018
Patay ang isang hinihinalang hitman sa ambush sa EDSA Quezon City. Suspek, pinaniniwalaang pulis. pic.twitter.com/66bH8ckIGK
— Jekki Pascual (@jekkipascual) February 12, 2018
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pakanan ng East Ave. ang SUV lulan si Cabatbat nang tabihan ng mga suspek at paputukan alas-12:30 a.m.

ADVERTISEMENT
Hinabol ng SUV ang mga motorsiklo habang nakikipagpalitan ng putok ang mga kasamahan ng abogado.

Pagbaba ng flyover sa Quezon Ave., magkasunod na sinagasaan ng SUV ang 2 motorsiklo.

Nawalan naman ng balanse ang SUV at tumagilid.

Ang 2 sakay ng motorsiklo ay itinakbo sa East Avenue Medical Center kung saan binawian ng buhay si Ayeras.

Hindi naman matagpuan ang isa pang suspek na sakay ng motorsiklo na pinaniniwalaang sugatan din.

Hinahanap pa rin ang iba pang kasamahan ni Cabatbat.

Ilang basyo ng kalibre .45 na baril at 9mm ang natagpuan sa crime scene.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, director ng Quezon City Police District, marami umanong banta sa buhay si Cabatbat.

Kabilang na umano rito ang galing sa isang doktor na nakasuhan at napatanggal niya sa trabaho.

Read More:
Crime
shooting
ambush
lawyer
Quezon City
Arjel Cabatbat
Guillermo Eleazar
Mark Ayeras Quezon City Police District
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT