ALAMIN: Mga pagbabagong gagawin sa VaxcertPH | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga pagbabagong gagawin sa VaxcertPH

ALAMIN: Mga pagbabagong gagawin sa VaxcertPH

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nakakuha ka ba ng vaccination certificate mula Vaxcert.PH?

Nagpaalala ang Department of Information and Communications Technology sa pamamagitan ni Acting Secretary Manny Caintic, na kailangan muli itong i-download dahil sa ilang ginawang pagbabago.

"We're in talks with European Union na magkakaroon ng bilateral acceptance between our vax cert at maraming European countries. So dito sa added features, puwede na syang mabasa apart from the many countries that are already accepting our vaxcert," ani Caintic.

"Sa atin namang gumagamit for local, the IATF resolution said naman na puwede pa ring gamitin ang vax card kung 'di dala ang vax cert. We are encouraging na mag-download ng bago. Mabilis lang naman. It's a 2-minute step."

ADVERTISEMENT

Sabi sa TeleRadyo ni Caintic na nagdagdag sila ng panibagong security features, at mas marami na ring bansa ang tatanggap nito dahil isinama na rito ang mga bansa mula sa Europa.

Kasama sa added feature ang detalye kung naturukan na ng booster dose kontra COVID-19.

Hinihikayat ng DICT na mag-download ng bagong vaxcert lalo't hindi na mababasa ng mga QR scanner ang lumang bersiyon nito.

Kaugnay na video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.