Lalaki pinatay sa loob ng bahay sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki pinatay sa loob ng bahay sa QC

Lalaki pinatay sa loob ng bahay sa QC

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 06, 2021 08:40 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang bahay sa Batasan Hills, Quezon City, Biyernes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si si Luis Valero.

Sa kuwento ng asawa ng biktima na si Tessie, natutulog sila bandang alas-11 ng gabi sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa may Presidential Road nang biglang pumasok ang tatlong lalaki at ginising ang kaniyang mister.

Nakita niya na kinaladkad ng mga lalaki ang kaniyang mister pababa ng bahay. Makalipas ng ilang minuto, nakarinig na siya ng maraming putok ng baril.

ADVERTISEMENT

Pagbaba niya ng bahay, patay na ang mister.

Ayon sa kaniya, walang kaaway ang mister at lumalabas lang ng bahay para magtrabaho kung saan-saan para may makain lang sila.

Ayon naman sa kapatid ng biktima na sa Regina Abrigo, dati nang nakulong ang biktima dahil sa droga. Pero hindi naman daw totoo ang paratang dahil planted lang ang droga noon. Wala daw kinalaman ang kapatid niya sa kahit anong ilegal na gawain.

Inaalam na ng pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano ang motibo sa krimen.

RELATED VIDEO:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.