Lakas ng hanging dulot ng LPA sinira ang ilang bahay sa Davao Occidental | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Lakas ng hanging dulot ng LPA sinira ang ilang bahay sa Davao Occidental

ABS-CBN News
Published Feb 05, 2022 01:28 PM PHT
Na-stranded ang ilang motorista at pasahero sa Barangay Mangili sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental Biyernes ng umaga matapos bahagyang tumaas ang lebel ng tubig at lumakas ang agos sa Lawayon river.

Ayon kay Ariel Acosta, municipal disaster risk reduction and management officer, kailangang tumawid sa ilog para makadaan mula sa bayan ng Don Marcelino patungong Jose Abad Santos dahil walang tulay doon.

Dahil sa sitwasyon, hindi nadaanan ng mga sasakyan ang ilog. Pero ayon kay Acosta, makalipas ang ilang oras ay nadaanan din ito matapos bumalik sa normal ang sitwasyon ng ilog.

Ayon sa MDRRMO, nakaranas ng malakas na hangin at ulan ang bayan dahil sa trough ng low pressure area.
Ayon sa MDRRMO, nakaranas ng malakas na hangin at ulan ang bayan dahil sa trough ng low pressure area.
ADVERTISEMENT
Binaha rin ang ilang lugar sa Barangay Caburan Big at Barangay Caburan Small dahil sa malakas na ulan.

Halos 10 bahay ang nasira dahil sa lakas ng hangin at may ilang puno rin ang nagtumbahan.

Ayon din sa MDRRMO, walang naitalang paglikas ng mga apektadong residente.

Patuloy naman ang assessment ng ahensya sa posibleng pinsala sa iba pang barangay sa bayan. — Ulat ni Hernel Tocmo