Tagum City isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tagum City isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha

Tagum City isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha mula sa Tagum City Government
Kuha mula sa Tagum City Government

Isinailalim ang siyudad ng Tagum, Davao del Norte sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha.

Nagtuloy-tuloy ang pinsala sa lugar dulot ng ulan at pagbaha simula pa noong Martes bunsod ng malakas na pag-ulan.

Sa datos ng Tagum City Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa 6,643 na pamilya o mahigit 30,000 indibidwal ang apektado ng baha.

Ayon sa Tagum City Government, inaprubahan sa special session ng 8th Tagum City Council noong Miyerkoles ang Resolution No. 1652 o ang pagsasailalim ng lungsod sa state of calamity.

ADVERTISEMENT

Kuha mula sa Tagum City Government
Kuha mula sa Tagum City Government

Binaha ang anim na barangay sa Tagum City: Pagsabangan, Mankilam, San Miguel, Canocotan, Bincungan, at Busaon.

Umabot sa mahigit P3 milyon pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa siyudad.

Humupa rin ang baha nitong Huwebes at nakabalik din sa kanilang mga tirahan ang mga apektadong residente. Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng lokal na pamahalaan. - Ulat ni Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.