ALAMIN: Paunang guidelines sa pagpapalawig ng face-to-face classes | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paunang guidelines sa pagpapalawig ng face-to-face classes

ALAMIN: Paunang guidelines sa pagpapalawig ng face-to-face classes

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 03, 2022 07:12 PM PHT

Clipboard

Mga estudyanteng papasok sa Ricardo P. Cruz Sr. Elementary School sa Taguig City noong Disyembre 6, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
Mga estudyanteng papasok sa Ricardo P. Cruz Sr. Elementary School sa Taguig City noong Disyembre 6, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA (UPDATE) — Pinayagan na ng Department of Education (DepEd) na mas maraming paaralan ang magdaos ng face-to-face classes, na aarangkada sa magkakaibang araw sa mga rehiyon.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, binigyan na niya ng hudyat ang pagsisimula ng "expansion" ng face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan basta susunod sa itinakdang panuntunan ng DepEd.

Inilabas ngayong Huwebes ng DepEd ang kopya ng department order na naglalaman ng ilang paunang patakaran sa expansion ng face-to-face classes.

Ayon sa DepEd, ang paaralang magsasagawa ng face-to-face classes ay dapat compliant sa standards ng School Safety Assessment Tool (SSAT).

ADVERTISEMENT

Mga paaralang nasa Alert Level 1 at 2 lang din ang puwedeng magdaos ng face-to-face classes.

Inoobliga rin ang mga paaralang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa kanilang operasyon.

Kailangan ding lumagda sa written consent ang mga magulang ng mga batang lalahok sa face-to-face classes.

Pinapayagan na ring lumahok sa face-to-face classes ang mga estudyante sa Grade 4 hanggang 6 at junior high school, kasunod ng Kindergarten hanggang Grade 3 at senior high school na pinayagan noong pilot phase.

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/tvpatrol/02/03/deped-interim-guidelines.jpg

Binibigyan na rin ng flexibility ang mga paaralan sa oras ng pagtuturo basta hindi sila kakain sa paaralan.

Nagpaalala rin ang DepEd na tanging mga bakunadong guro lang ang puwedeng sumali sa face-to-face classes.

Iba-ibang petsa ang itinakda ng regional at division offices ng DepEd sa pagsisimula ng expansion phase, batay sa kanilang kahandaan:

  • National Capital Region - Feb. 9
  • Batanes - Feb. 7
  • Bulacan - Feb. 21
  • Cavite at Rizal - Feb. 14
  • Southern Leyte - Feb. 7
  • Maasin City at Biliran City - Feb. 14

Sa Calabarzon, magbubukas na ulit ang klase matapos ang 3 linggong pahinga dahil sa health break at mid-year break.

Sa isang memorandum, sinabi ng regional DepEd office na ipagpapatuloy ng mga pampublikong paaralan ang second quarter ng school year 2021-2022 sa Pebrero 7 hanggang 12.

Aarangakada naman sa Pebrero 14 hanggang Abril 8 ang third quarter habang sa Abril 11 hanggang Hunyo 24 ang fourth quarter.

Samantala, 57 eskuwelahan sa rehiyon — 21 sa Rizal at 36 sa Cavite — ang lalahok sa expansion phase ng face-to-face classes.

Ayon sa DepEd, nakumpleto na ng mga eskuwelahan ang requirements ng SSAT at ngayo'y nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na pamahalaan.

— Ulat nina Jaehwa Bernardo, Michael Delizo at Arra Perez, ABS-CBN News

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.