2 pulis na nanakit ng 4 na menor de edad, sibak sa pwesto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 pulis na nanakit ng 4 na menor de edad, sibak sa pwesto

2 pulis na nanakit ng 4 na menor de edad, sibak sa pwesto

Madonna Timbal-Senajon,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY – Isinailalim sa restrictive custody sa Davao City Police Office ang dalawang pulis matapos ireklamong nanakit ng 4 na menor de edad na lumabag sa curfew.

Ayon kina PO1 Jesrey Masinading at PO1 Giovanni Natividad, hindi nila intensiyong saktan ang 4 na kabataan ng Barangay 19-B.

Layon lang raw nilang disiplinahin ang mga ito lalo pa’t palagi silang nahuhuli sa kasong pagnanakaw at riot sa naturang barangay.

Arogante at wala raw respeto ang mga ito sa kanila at sinabihan pa sila ng mga masasamang salita.

ADVERTISEMENT

Gayunpaman, handa raw silang harapin ang kasong ipapataw sa kanila.

Humingi rin sila ng tawad sa mga magulang ng mga bata.

Ayon kay Senior Superintendent Alexander Tagum, naintindihan niya ang sitwasyon ng dalawang pulis pero hindi raw ito-tolerate ang mga nagawa nila.

Hindi rin daw siya nagkulang sa pagpapaalala sa mga ito na sundin at ipatupad ng tama ang batas lalo na ang karapatan ng mga menor de edad.

Kinumpirma naman ni Barangay 19-B Kapitan Loreto Nicolas na notadong mga pasaway sa kanilang barangay ang 4 na kabataan na sangkot sa mga kasong pagnanakaw at riot.

Samantala, nagbigay na ng intervention sa pamamagitan ng counselling at effective parenting seminar ang City Social Services and Development Office sa mga magulang at mga minor de edad.

Dinisarmahan na sina Masinading at Natividad na mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.