Paalala ng DENR: Tubig sa Manila Bay, hindi pa 'swimmable' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paalala ng DENR: Tubig sa Manila Bay, hindi pa 'swimmable'

Paalala ng DENR: Tubig sa Manila Bay, hindi pa 'swimmable'

Rose Carmelle Lacuata,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Bagama't malinis na ang kapaligiran ng Manila Bay, nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi pa rin maaring lumangoy dito.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, may kautusan ang Korte Suprema na kinakailangang linisin ang tubig sa Manila Bay at maibalik ito sa "swimmable quality."

"May mandamus po 'yung Manila Bay, kautusan ng Korte Suprema na kailangang linisin mo 'yang dagat na 'yan at ibalik mo sa SB quality ang tubig na 'yan, 'yung swimmable na siya," paliwanag ni Antiporda.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dagdag pa ni Antiporda, layunin ng isinagawang clean-up sa Manila Bay noong Linggo ang ipaalala sa lahat na responsibilidad ng bawat isa ang panatilihin ang kalinisan ng kanilang kapaligiran.

ADVERTISEMENT

"Ang main objective niya is to create awareness to all the people that this is the responsibility of not only the government but every single Filipino, na kailangan talaga magtulong-tulong tayo," aniya.

"And it is not about Manila Bay only, it is about your environment. 'Yung disiplina, kailangang in-instill na natin ngayon," dagdag pa niya.

Naging usap-usapan sa social media ang bagong bihis ng Manila Bay matapos ang isinagawang malawakang clean-up noong Linggo.

Maraming mga Filipino ang bumibisita sa lugar para masilayan ang paglubog ng araw at para na rin mamasyal.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.