Barkong nabahura sa Palawan, hindi pa rin maialis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barkong nabahura sa Palawan, hindi pa rin maialis

Barkong nabahura sa Palawan, hindi pa rin maialis

Rex Ruta,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 01, 2019 01:22 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

CAGAYANCILLO, Palawan - Hirap pa rin ang awtoridad na alisin sa pagkakasadsad ang isang barko sa karagatan ng bayang ito.

Binalikan ng Philippine Coast Guard nitong Martes ang bayan ng Cagayancillo para inspeksiyunin ang sumadsad na M/V Forever Lucky.

Inabot ng 18 oras ang biyahe ng Coast Guard mula Puerto Princesa hanggang Cagayancillo. Sinalubong ng malalaking alon at malakas na hangin ang mga tauhan ng Coast Guard.

Sinubukang dumikit ng rubber boat ng Coast Guard sa nabahurang barko para makita ang sitwasyon nito pero hindi na nila kinaya dahil sa sama ng panahon.

ADVERTISEMENT

Kumuha na lamang ng water sample sa paligid ng Forever Lucky para tingnan kung mayroon nang pagtagas ng langis o kemikal mula sa barko.

"Titingnan po natin kung mayroong presence ng oil or grease doon sa pinagkuhanan ng water sample... As a mater of fact yung naka-ok board lang according to the chiefmate, mayroon silang on-board 1500 diesel fuel. Pero ang diesel naman kasi ay non-persistent oil. if ever man na wag naman sana ay madali naman itong mag-disperse," paliwanag ni Ensign Allison Tindog ng PCG-Palawan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Base sa pag-aaral ng PCG, walang oil spill na naitala mula nang mangyari ang pagsadsad.

Sa ngayon, pinangangambahan ang patuloy na epekto ng barko sa mga nasirang korales.

"Natatakot nga ako lalo na ngayon na may bagyo-bagyo. 'Pag baka tumaas yung level ng dagat ay baka papasok pa ang barko dito sa loob. So mag-cause pa ng malaking damage," paliwanag ni Cagayancillo Vice Mayor Joel Carceller.

Wala pa rin umanong pormal na pakikipag-ugnayan sa kanila ang may-ari ng barko.

Una na umanong napag-usapan na magpapadala ng salvage team ang may-ari nito pero hindi natuloy dahil hindi rin kakayaning gawin ang operasyon dahil sa lakas ng alon.

Kung ipagkakaloob rin sa kanila ang barko ay gagawan umano ng paraan ng munisipyo na mapakinabangan ito.

"Kung kunin naman siguro, wala kaming karapatan na kunin. Pero kung ibibigay sa amin ng may-ari, ipaubaya sa amin ang barko gawan namin ng paraan paano namin ilagay ang barko maging stable siya," ani Carceller.

Sumadsad ang M/V Forever Lucky nitong Enero 7.

Bago ito, limang taon din umanong hindi nakapaglayag ang barko at nakatengga lang sa Bataan Port.

Sinubukan lamang itong ilipat sa General Santos City para doon i-dry dock pero hindi inaasahan na nabahura ito.

Sa ngayon, hinihintay na kumalma ang panahon para mas mapag-aralan kung paano ito mai-aalis sa bahura at makita ang kabuuang pinsala nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.