Passenger cargo na barko, sumadsad sa Palawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Passenger cargo na barko, sumadsad sa Palawan

Passenger cargo na barko, sumadsad sa Palawan

Lynette Dela Cruz,

ABS-CBN News

Clipboard

CAGAYANCILLO, Palawan—Isang barko ang sumadsad sa karagatang sakop ng bayang ito Lunes.

Ayon sa Philippine Coast Guard, agad silang nagpadala ng tauhan para kumpirmahin ang report nang matanggap nila ito, ngunit kinailangan nilang bumalik dahil hindi kinaya ang malalaking alon at malakas na hangin.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang passenger cargo na may pangalang MV Forever Lucky ang sumadsad sa lugar. Mula ito sa Bataan Port at papunta sana ng General Santos City.

May sakay itong 17 crew members na pawang mga Pilipino.

ADVERTISEMENT

Hanggang sa oras na ipinost ang artikulong ito, hindi pa nakakalapit ang awtoridad sa barko para iligtas ang mga nasa loob nito.

Naglayag na rin ang rescue vessel na BRP Sindangan patungo sa Cagayancillo lulan ang mga diver para tumulong sa search and rescue operation.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.