Bata patay sa pananaga sa Davao City; suspek nanlaban umano sa pulis | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bata patay sa pananaga sa Davao City; suspek nanlaban umano sa pulis

Hernel Tocmo,
ABS-CBN News
Published Jan 29, 2021 02:27 PM PHT

DAVAO CITY - Patay ang isang 10-taong gulang na lalaki matapos pagtatagain ng kapitbahay sa Barangay Tamugan, Marilog District sa Davao City.

Sa gilid ng kalsada sa Sitio Sto. Niño natagpuan ang bangkay ng bata na si Jaylord Doña Huwebes ng gabi.

Nagtamo ang bata ng dalawang sugat sa bandang ulo mula sa pananaga, base sa pagsusuri ng awtoridad.

Sa salaysay ng lolo ng biktima na si Leonardo Doña, nakita niya ang pangyayari at itinurong suspek ang kanilang kapitbahay na si Francisco Yap, 52.

ADVERTISEMENT
Pinuntahan ng mga pulis ang lugar kung saan nagtatago ang suspek pero sa halip na sumuko, tinangka pa umano nitong sugurin at tagain si Police Staff Sergeant Gene Andal kaya siya nabaril.

Dead on arrival si Yap sa Isaac Robillo Hospital.

Nakitaan din umano ng hinihinalang marijuana si Yap sa bulsa ng kaniyang damit.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT