Lalaki patay matapos umanong tagain ng kapuwa inmate sa Aklan

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2021 02:57 PM

Retrato mula sa Aklan Rehabilitation Center

Patay ang isang lalaki matapos umanong tagain ng kapuwa niya inmate sa Aklan Rehabilitation Center sa Kalibo Linggo ng gabi.

Kinilala ng Kalibo police ang biktima bilang si Rommel Tambong, 40, na napatay umano ni Art Tumbukon, 24.

Natutulog sa kaniyang selda si Tambong nang pagtatagain ng suspek gamit ang lobo, base sa imbestigasyon ng pulisya.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima pero kalaunan ay binawian din ng buhay.

Patuloy na inaalam ang motibo sa pananaga.

-- Ulat ni Rolen Escaniel 

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.