Pagsuway, pananakit sa mga awtoridad, maaaring kasuhan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagsuway, pananakit sa mga awtoridad, maaaring kasuhan

Pagsuway, pananakit sa mga awtoridad, maaaring kasuhan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipinagbabawal ng batas ang pagsuway at pananakit sa mga awtoridad.

Tinalakay sa programang "Usapang De Campanilla" nitong Lunes ang "direct assault" sa mga "persons in authority" o "agents of person in authority" na nakapaloob sa Revised Penal Code.

"Ito 'yong hindi pagsunod, pagsuway, at paggamit ng dahas dahil mayroon ka gusto gawin na 'di ayon sa pinag-uutos ng person in authority," paliwanag ni Atty. Claire Castro.

Kabilang sa mga itinuturing na persons in authority ang mga taong binibigyan ng kakayahang magpatupad o mangasiwa ng batas at hustisya.

ADVERTISEMENT

Nakasaad sa Revised Penal Code: "Any person directly vested with jurisdiction, whether as an individual or as a member of some court or governmental corporation, board, or commission, shall be deemed a person in authority."

Itinuturing ding persons in authority ang mga barangay captain.

Ang mga agents of persons in authority naman ang mga miyembro ng pamahalaang lokal at mga ahensiya ng gobyerno na itinalaga para pangasiwaan ang public order o kaayusan.

Kabilang dito ang mga miyembro ng Philippine National Police at mga barangay tanod.

"Caught in the act ka pero lumaban ka, alam mong police siya, the mere fact na alam mong police siya ... lumaban ka habang nag-pe-perform siya ng duty, direct assault iyon," sabi ni Castro.

Pasok din sa persons in authority ang mga guro at propesor sa mga paaralan, at mga abogado.

Ayon sa Revised Penal Code: "Teachers, professors and persons charged with the supervision of public or duly recognized private schools, colleges and universities, and lawyers in the actual performance of their professional duties or on the occasion of such performance, shall be deemed persons in authority."

Batay sa bigat ng danyos ang parusang maaaring ipataw.

Kapag gumamit ng dahas (force o intimidation), maaaring patawan ang may sala ng prision correccional o pagkakakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon, at multang aabot sa hanggang P500.

Arresto mayor o pagkakakulong ng isang buwan hanggang anim na buwan at multang hanggang P500 naman ang ipinapataw sa mabigat na pagsuway (serious disobedience).

Sa pagkakataong hindi naman mabigat ang pagsuway, maaaring patawan ng arresto menor o pagkakakulong ng isa hanggang 30 araw at multang naglalaro sa P10 hanggang P100.

Kapag nauwi sa injury o kamatayan ang pagsuway, sinabi ni Castro na maaari itong maging "complex case."

"Ibig sabihin hindi ma-ko-commit itong pagpatay kung hindi dahil sa pag-direct assault mo so parang mag-ko-combine siya into one," ani Castro.

Nakadaragdag sa bigat ng kaso kung persons in authority o agents of persons in authority ang biktima.

Iba rin umano ang sitwasyon kapag hindi naka-uniporme ang isang person in authority.

"Naka-civilian clothes ['yong person in authority], hinuli ka, lumaban ka ... 'di ka makakasuhan ng direct assault kasi 'di mo alam [na person in authority siya] although ibang kaso siya," paliwanag ng abogada.

Isa sa mga tinalakay na sitwasyon bilang halimbawa ay ang insidente ng isang traffic enforcer na nabundol ng sinita nitong bus.

Ayon kay Castro, maaaring kasuhan ang tsuper ng bus kapag napatunayang sinadya nitong sagasaan ang traffic enforcer na pumapara sa kaniya dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Matatandaang dumipensa ang tsuper ng bus na hindi umano niya nakita ang enforcer dahil madilim ang lugar. Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.