Traffic enforcer nabundol ng sinitang bus | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Traffic enforcer nabundol ng sinitang bus

ABS-CBN News
Published Jan 21, 2018 08:38 AM PHT
|
Updated Jul 16, 2019 01:21 PM PHT

Isang MMDA Constable, nabangga ng isang bus sa EDSA Muñoz Southbound. @ABSCBNNews please send rescue @MMDA pic.twitter.com/TPFIk9UqGk
— Isay Reyes (@isay_reyes) January 20, 2018

MANILA - Nabundol ang isang traffic enforcer ng pampasaherong bus na kaniyang sinita dahil sa paglabag sa batas trapiko sa EDSA, Quezon City ngayong Linggo ng umaga.

Pinara ng biktimang si Ferdinand Junio ang Pascual bus dahil sa pagbababa at pagsasakay ng mga pasahero sa maling lugar.

Pero dahil madilim ang lugar, hindi umano nakita ng driver na si Joseph Ib-ib ang kumakaway na traffic enforcer

"Bigla akong napapreno, pero huli na.Yung preno ko ang nakatama sa kaniya," ani Ib-ib.
"Bigla akong napapreno, pero huli na.Yung preno ko ang nakatama sa kaniya," ani Ib-ib.
ADVERTISEMENT
Napadaan naman sa lugar ang isang rescue volunteer na umalalay kay Junio hanggang maisugod siya sa ospital.

"Nagagalaw naman niya katawan niya, conscious naman siya pero hindi niya matandaan [ang nangyari]," sabi ng rescuer na si Maynard Kho.

Mahaharap sa imbestigasyon ang driver ng bus. Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Read More:
TV Patrol Top
TV Patrol
TV Patrol Weekend
Isay Reyes
balita
motorista
pasada
biyahe
transportasyon
DZMM
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT