Lolo na umano'y nagnakaw ng mangga ibinenta ang napitas sa namamakyaw | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lolo na umano'y nagnakaw ng mangga ibinenta ang napitas sa namamakyaw

Lolo na umano'y nagnakaw ng mangga ibinenta ang napitas sa namamakyaw

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kinasuhan ang isang lolo na umano'y nagnakaw ng 10 kilo ng mangga sa puno ng kapitbahay matapos niyang ibenta ang mga mangga sa isang namamakyaw.

Ayon kay Police Maj. Napoleon Eleccion Jr, chief ng Asingan Municipal Police Station, tinawag ni Nardo Flores ang isang namamakyaw para pitasin ang mga mangga at bilhin sa kanya.

Kulang-kulang 10 kilo ang nakuhang mangga ng namamakyaw, ayon sa imbestigasyon.

"Yung namamakyaw, alam niyo yung instant na nagmo-motor na tumitingin-tingin sa mga puno ng mangga, chico, prutas tapos pwedeng bilhin nila yan," ani Eleccion sa panayam sa TeleRadyo.

ADVERTISEMENT

"Itong si Lolo, nandiyan naman yan, kine-claim niya na sa kanya iyong mangga, tinawag niya yung mamamakyaw. Yung namamakyaw ang nag-harvest. Si Lolo allegedly kinomand niya yung namamakyaw na kunin yung mangga at ibenta. So itong namamakyaw may kaunting halaga ibinigay niya kay lolo pambayad ng mangga kaya nagreklamo ang complainant natin," dagdag niya.

Una nang sinabi ni Flores na pinapitas niya ang mangga dahil siya ang nagtanim ng puno pero binakuran lang ng nagrereklamo.

Ayon sa pulis, dumaan sa confrontation at mediation ang reklamo matapos hingan si Flores ng P6,000 ng mga nagreklamo.

Isang beses lang nagpakita si Flores sa barangay kaya't kinasuhan na siya.

Ayon sa Asingan Public Information Office, inaresto sa bisa ng warrant ang lolo sa Barangay Bantog noong Enero 13, at idinitene sa municipal police station.

ADVERTISEMENT

Matapos mag-viral sa social media ang kuwento ni Flores, bumuhos ang tulong para sa kaniya.

Mismong mga taga-Asingan police ang nag-ambagan para makatulong sa pagbuo ng P6,000 pampiyansa.

Pansamantalang pinalaya si Flores nitong Huwebes matapos makapagpiyansa.

Ayon kay Eleccion, nakatakda ang arraignment ni Flores ngayong Pebrero 8.

"Sa korte na lang natin malalaman kung ide-desist ng complainant for settlement para matapos na ang kaso," aniya.

ADVERTISEMENT

Dagdag niya, nakakaawa din ang kalagayan ni Flores dahil nabubuhay lang ito sa pagbenta ng suka at mais.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.