102 distressed OFWs mula Kuwait pauwi na sa Pilipinas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

102 distressed OFWs mula Kuwait pauwi na sa Pilipinas

102 distressed OFWs mula Kuwait pauwi na sa Pilipinas

Maxxy Santiago,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Pauwi na ngayong Huwebes ang may 102 distressed overseas Filipino workers galing sa Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration shelter sa Kuwait.

Kabilang ang grupo sa higit 400 na nasa shelter ngayon.

Lulan ang Emirates Airlines EK336 via Dubai, kasama ng mga wards pauwi ng Pilipinas si OWWA Administrator Arnell Ignacio.

Noong martes, may 38 wards ang nakasamang pauwi ni Department of Migrant Workers Undersecretary Hans Leo Cacdac.

Inaasahang mapapauwi ang higit sa 300 wards mula sa shelter ngayong Enero.

Nakatakdang dumating ang mga repatriates sa Maynila sa darating na Biyernes ng umaga.

May higit 300 wards pa ang nasa shelter sa Kuwait.

"Sa ngayon, meron tayong 102 na kasama at meron pang pasabog at pasorpresa ang OWWA pag-uwi niyan sa airport," sabi ni Ignacio.

"Ngayon sa Sunday, meron pa tayong kasama uling 63, sa January 26 meron tayong kasamang 82 at sa katapusan meron tayong 62 na kasama. Tuloy-tuloy tayo nagpapauwi."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.