Maraming driver nalilito pa rin sa 'no vax, no ride' policy | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maraming driver nalilito pa rin sa 'no vax, no ride' policy

ABS-CBN News
Published Jan 19, 2022 02:17 PM PHT
|
Updated Jan 19, 2022 08:14 PM PHT

'Di lahat ng manggagawa exempted sa 'no vax, no ride' - DOTr
Maraming driver ang nalilito pa rin sa pagpapatupad ng bagong polisiyang nagbabawal sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 na sumakay sa mga pampublikong sasakyan.

Ito'y kasunod ng pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na exempted ang mga trabahador sa "no vaccination, no ride" policy, na ipinatupad sa Metro Manila simula noong Lunes.

Pero iginigiit ng Department of Transportation (DOTr) na hindi lahat ng mga manggagawa ang sakop ng exemption.

Sa panayam ng ABS-CBN News Channel, sinabi ngayong Miyerkoles ni Transport Undersecretary Artemio Tuazon Jr. na hindi naman lahat ng manggagawa ay puwedeng lumabas sa ilalim ng Alert Level 3 na ngayo'y umiiral sa Kamaynilaan.

ADVERTISEMENT
"Hindi rin lahat puwedeng lumabas na workers. Only if your industry is allowed under Alert Level 3, will you be allowed to board public transportation," ani Tuazon.

"They really have to present proof that they are workers," dagdag ni Tuazon.

Dahil dito, nalilito ang mga driver na nakapanayam ng ABS-CBN News sa mga exemption.

Nauna na ring sinabi na exempted sa polisiya ang mga indibiduwal na may medical condition at bumabiyahe para sa essential goods at services.

Ayon sa mga driver, hindi sila magpapasakay ng mga hindi bakunado hangga't hindi nalilinawan sa panuntunan ng bagong polisiya.

"Hindi ko alam. Pero nagtatanong din kami kapag may sasakay, kung may vaccine card," sabi ng pedicab driver na si Mario Cruz.

"Hindi namin puwedeng isakay nang ganoon kasi kami ang titiketan," sabi naman ng tsuper na si Patricio Espenya ukol sa mga pasaherong hindi pa fully vaccinated.

Pinag-aaralan naman ng DOTr ang pagtatayo ng vaccination site sa mga transport terminal at expressway.

Sa Cebu, sinabi ni Governor Gwen Garcia na ayaw ipatupad ng provincial government ang "no vaccination, no ride" policy dahil "anti-poor' at diskriminasyon umano ito.

Ayon kay Garcia, dapat igalang ang pasya ng isang indibiduwal kung ayaw nitong magpabakuna.

Magpupuwesto na lang aniya ng border checkpoint para matiyak na walang overloading sa mga pampublikong sasakyan at nasusunod ang mga health protocol.

Oobligahin na rin umano ang mga bus sa Cebu na kumuha ng trip ticket sa mga terminal para mas madaling ma-track at meberipika ang kanilang mga biyahe.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
transportasyon
public transportation
drivers
no vax no ride
Department of Labor and Employment
Department of Transportation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT