Vape di magandang alternatibo sa yosi: DOH | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vape di magandang alternatibo sa yosi: DOH

Vape di magandang alternatibo sa yosi: DOH

Pia Gutierrez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 16, 2019 04:36 PM PHT

Clipboard

Kasunod ng panukalang taasan ang buwis sa yosi, nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko ngayong Miyerkoles na hindi umano magandang alternatibo ang vape o e-cigarettes sa sigarilyo

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, gaya ng sigarilyo, mayroon ding nicotine ang vape na maaaring magdulot ng adiksiyon sa gumagamit nito.

“Some people are trying to package it as a health alternative to tobacco or as a lower risk product compared to tobacco. Pero 'yong mga vape po are nicotine containing and are addicting,” sabi ni Domingo.

“Pag nag-vape sila tapos later magiging addict sila sa nicotine at magiging tobacco smoker sila. So hindi po ito nakakabuti,” dagdag ni Domingo.

ADVERTISEMENT

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong buwan ang panukala ng DOH at Department of Finance na taasan ang excise tax o buwis sa sigarilyo at alak.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, hinihintay na lang ang substitute bill mula sa Kongreso na layong pagsama-samahin ang iba't ibang bersyon ng mga panukalang batas na target dagdagan ang buwis ng kada pekete ng sigarilyo.

Sa ilalim ngayon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law, nasa P35 ang idinagdag na buwis sa kada pakete ng sigarilyo.

Sinabi ni Lambino na mas pabor sila sa bersyon ng panukala ni Sen. Manny Pacquiao na layong itaas sa P60 ang buwis sa sigarilyo.

Ayon sa Department of Finance, sa pamamagitan ng mas mataas na buwis sa sigarilyo, makakalikom ang gobyerno ng sapat na pondo para sa universal health care program.

PAG-REGULATE SA VAPE

Muling iginiit ni Domingo na gusto nila sa DOH na i-regulate ang vape at nakikipag-ugnayan na raw sila sa mga mambabatas para rito.

“Kailangan ma-regulate siya for content at tsaka for safety,” ani Domingo.

“Hinihintay po talaga natin 'yong batas kung paano ang registration tsaka regulation nila,” aniya.

Hindi pa alam ng gobyerno kung ilan ang kasalukuyang manufacturer o gumagawa at retailer o nagbebenta ng vape sa bansa, ayon kay Domingo.

“Hindi po namin masabi kung ilan ang mga produkto at tsaka kung ilan itong mga outlet na naandyan po sa paligid,” ani Domingo.

-- May ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.