Vape, maaari pang makaengganyong magyosi: DOH | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vape, maaari pang makaengganyong magyosi: DOH

Vape, maaari pang makaengganyong magyosi: DOH

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Iginiit ng Department of Health na hindi sagot ang paggamit ng vape para matigil ng isang tao ang paninigarilyo, at sa halip ay maaari pa raw itong makaudyok sa iba na magyosi.

Kasunod ito ng insidente noong nakaraang linggo kung saan nasugatan ang isang 17 anyos na lalaki matapos sumabog sa kaniyang bibig ang gamit niyang vape.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, hindi lang pagsabog ng mga vape unit ang peligrong dulot ng vape sa gumagamit nito.

"Studies have shown that children who start vaping are more likely to take up smoking, cigarette smoking as a habit later on in life," ani Domingo.

ADVERTISEMENT

May ilan kasing ginagamit ang vape bilang paraan para matigil daw sila sa paninigarilyo.

Ayon kay Domingo, gusto rin daw nilang irehistro ang vape bilang droga.

"We want it to be registered as a drug, yes, because it's definitely not food, it's potentially harmful," ani Domingo.

Ayon pa kay Domingo, gaya ng yosi at alak, balak din nilang patawan ng sin tax o buwis ang vape.

Pero aminado si Domingo na hindi pa ito magagawa ngayon lalo at nakatuon ang kanilang pansin sa dagdag-buwis sa sigarilyo, na isa sa mga pagkukuhanan ng pondo para sa universal health care.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III, kung mapapatungan ng P90 ang kada pakete ng sigarilyo, mapupunan nito ang kulang na pondo ng universal health care at mapabababa ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa.

--Ulat nina Raphael Bosano at Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.