Metro Manila mananatili sa Alert Level 3 hanggang katapusan ng Enero | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Metro Manila mananatili sa Alert Level 3 hanggang katapusan ng Enero

ABS-CBN News
Published Jan 14, 2022 08:12 PM PHT

MAYNILA - Sa kabila ng patuloy na tumataas na mga kaso ng COVID-19, mananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang katapusan ng Enero.

Sa ilalim ng Alert Level 3, papayagan ang interzonal at intrazonal travel habang hanggang 30 porsiyento ang indoor operating capacity para sa mga fully vaccinated na indibidwal.

Sakop dito ang aktibidad gaya ng dine-in services, social events, personal care establishments, mga sinehan at gym.

Higit 50 lugar din ang naka-Alert Level 3 hanggang katapusan ng Enero.
Higit 50 lugar din ang naka-Alert Level 3 hanggang katapusan ng Enero.
ADVERTISEMENT
Kabilang dito ang Baguio City, Ilocos Sur, Pampanga, Iloilo, Bohol, Cebu, Davao Del Sur at Daval Del Norte.

Mananatili naman ang higit 20 lugar sa Alert Level 2

Ikinalugod naman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, grupo ng mga negosyante, ang pagpapalawig ng alert level.

“Government must focus on health care aspects (availability of flu medicines & vitamins for home care) to avoid the overwhelming of hospitals. This would keep the alert level as is and maintain a level of economic activities," ani Barcelon.

May ilang pagbabago ring ginawa sa sistema ng red list ang IATF.

Kung dati, tanging mga Pilipino lamang na kailangan pang isakay sa repatriation o bayanihan flights ang pinapayagan mula sa mga red list country, ngayon kailangan na lang nilang magpresenta ng negatibong RT-PCR test na valid 48 oras bago lumipad sa pinanggagalingang bansa.

Kailangan din nila mag-facility-based quarantine at sumailalim sa isang RT-PCR test sa ika-7 araw. Kung magnegatibo, maaari na silang umuwi.

Kung partially vaccinated o di bakunado, dapat manatili sa pasilidad nang hanggang ika-10 araw.

Bakunado man o hindi, kailangan pa rin nilang mag-home quarantine hanggang sa ika-14 araw na pagdating sa bansa.

Aalisin naman ang facility-based quarantine requirement sa mga bansang galing sa low-risk country basta't magpakita ng negative RT-PCR test at mag-self monitor nang hanggang sa ika-7 araw ng pagdating sa Pilipinas.

Magiging requirement naman para sa lahat ng dayuhang papasok ng Pilipinas na magpakita ng pruweba na bakunado sila kontra COVID-19, maliban na lang kung menor de edad o mga hindi pinayagang magpabakuna dahil sa medical condition, at ang foreign diplomats kabilang ang kanilang mga dependent.

-- Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News
Read More:
COVID-19
coronavirus
Metro Manila
NCR
Alert Level 3
red list
green list countries
quarantine protocols
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT