Students' group pabor sa face-to-face classes sa kolehiyo basta tiyak ang kaligtasan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Students' group pabor sa face-to-face classes sa kolehiyo basta tiyak ang kaligtasan

Students' group pabor sa face-to-face classes sa kolehiyo basta tiyak ang kaligtasan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kung face-to-face classes lang ang pag-uusapan, payag si Angel Mendiola, isang college student sa Cebu City.

Pero hindi aniya natatapos sa pag-aaral ang mga alalahanin nila dahil nariyan pa rin ang pagbangon mula sa Bagyong Odette at pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

"Nangangamba rin kami na mahawaan ng COVID. Most especially kasi, one, iyong vaccine rollout, it's slow. Tapos second naman, kung mahahawaan ka ng COVID, saan ka naman makakapulot ng pera para magpagamot. Kahit testing, mahal masyado," ani Mendiola.

Ayon sa abiso ng Commission on Higher Education (CHED), puwede nang magsagawa ng limited face-to-face classes ang mga higher education institution (HEI) sa ilalim ng Alert Level 3 simula Enero 31.

ADVERTISEMENT

"Iyong January 31, ang ibig sabihin, iyon iyong pinakamaaga na puwede kang magbukas. Pinakamaaga. Pero kung iyong conditions mo on the ground is not favorable, siyempre huwag ka dapat magbukas ng January 31," sabi ni CHED Chairman Prospero de Vera.

Pabor naman ang National Union of Students of the Philippines (NUSP) sa bagong polisiya ng CHED basta matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante na magpe-face-to-face classes.

"Basta masiguro iyong testing, iyong pagpasok ng mga estudyante, paglabas, iyong classrooms, retrofitting ng mga schools at ng mga classrooms," ani NUSP President Jandeil Roperos.

Kaya naman maingat at mabusisi ang mga paaralan, gaya ng Mapua University sa Maynila na noong nakaraang taon pa naghanda para sa unti-unting pagbabalik sa loob ng paaralan ng mga estudyante.

Sa huling bahagi ng Pebrero target ng pamantasan na buksan ang physical classes pero nakasalalay pa rin sa magiging risk assessment.

"We've gone beyond the minimum requirements of CHED and [Department of Health]. We will practice the rotating classes... and then every week there's a new batch [of students]," ani Mapua University Chief Operating Officer Raul Victor Tan.

Base sa guidelines ng CHED, mga bakunadong estudyante at school personnel lang ang puwedeng lumahok sa in-person classes.

Voluntary ang face-to-face classes at mananatili pa rin ang remote learning.

Samantala, sa mga pampublikong paaralan sa basic education, ipinauubaya naman ng Department of Education sa regional offices at school heads ang pagsuspende ng klase sa harap ng muling pagsipa ng mga kaso ng COVID-19.

Batay sa memorandum ng ahensiya, puwedeng magsuspende ng klase ang mga paaralan ngayong Enero, depende sa situwasyon sa kanilang lugar.

Pero hindi umano dapat lalagpas ng 2 linggo ang suspension upang maiwasan ang pagkaantala sa school calendar.

— Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.