Resulta ng imbestigasyon sa hotel kung saan namatay si Dacera, malapit nang ilabas
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Resulta ng imbestigasyon sa hotel kung saan namatay si Dacera, malapit nang ilabas
ABS-CBN News
Published Jan 10, 2021 01:40 PM PHT

MAYNILA - Ilalabas na sa mga susunod na araw ang resulta ng imbestigasyon ng Department of Tourism sa hotel kung saan namatay ang flight attendant na si Christine Dacera.

Malapit nang matapos ang proseso ng imbestigasyon ngunit tumanggi munang magbigay ang DOT ng impormasyon o dokumento habang hindi pa ito nakukumpleto, ayon sa Office of Public Affairs and Advocacy ng ahensiya.

Noong Enero 5, naglabas ang DOT ng show-cause order laban sa City Garden Grand Hotel dahil sa posibleng paglabag sa community quarantine protocol.

Pinagpapaliwanag ni DOT Metro Manila Regional Director Woodrow Maquiling Jr. ang general manager ng hotel kung bakit hindi dapat makansela ang accreditation nito sa kabila ng pagkakaroon ng umano’y party sa establisimiyento.

Ayon sa DOT, maaari lang maging quarantine facility ang hotel at hindi puwedeng gamitin sa leisure purposes.

"It has come to the attention of the DOT that the demise of a Philippine Airlines attendant allegedly occurred during a party held in your establishment on December 31, 2020. We understand based on reports that several individuals have checked in or spent the evening in one of your rooms on said date," sabi ni Maquiling sa show-cause order.

Humihingi rin ng hiwalay na paliwanag noong Enero 6 ang Makati City Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa pamunuan ng hotel at nagbantang posible itong mabawian ng business permit.

Sa paunang ulat ng pulis, "ruptured aortic aneurysm" ang tinukoy nitong sanhi ng pagkamatay ni Dacera noong Enero 1. Pero kalaunan ay sinabi nitong posibleng rape-slay ang nangyari.

Inilibing na ngayong araw ng Linggo si Dacera sa General Santos City habang patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan at National Bureau of Investigation ang naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.